Hindi basta-basta ang sakripisyo ni Defender ng Navi para sa kaniyang pangarap bilang isang pro player.
Lumipad mula sa Ukraine patungong Singapore para sa Mobile Legends: Bang Bang World Championship ang EXP Laner ng Natus Vincere (Navi) si Andriy “Defender” Martynenko.
Dating parte ng Deus Vult roster na lumaban rin sa M2, siya’y bumalik bilang tanging representative ng CIS region sa M3 sa panibagong esports organization, ang Navi.
Pumasok sa Mobile Legends pro scene ang Navi nitong nakaraang Nobyembre nang pirmahan ang buong roster ng Deus Vult, ang pinakamalakas na koponan sa CIS region matapos manalo sa Mobile Legends Mythic League – CIS.
Matapos mailagay sa Group C, natalo ang Navi sa mga best-of-one matches nila kontra sa EVOS SG at BTK, ngunit nakakuha pa rin ng panalo laban sa SeeYouSoon. Bilang resulta, nilaro nila ang playoffs sa Lower Bracket, kung saan ginulat nila ang Malvinas Gaming nang manalo ng 2-1 at RSG SG ng 2-0 sa sumunod na round.
Sa Round 3 ng playoffs, kinalaban nila ang Todak. Matapos ang matinding bakbakan, tuluyan nang natalo ang Navi ng 2-3 sa isang best-of-five na serye llaban sa Malaysian squad, at tuluyan na ding natanggal sa torneo.
Habang nakalingon sa kaniyang karanasan sa M3 World Championship, nakausap din ng ONE Esports si Defender ukol sa kaniyang personal na sakripisyo sa kaniyang paglalakbay patungo sa kaniyang nakamtan.
Defender ng Navi, pansamantalang hininto ang kanyang buhay para lamang sa kaniyang mga pangarap sa M3 World Championship
Tumapak si Defender sa mundo ng Mobile Legends: Bang Bang noong Season 3 ng laro. Siya’y naglaro ng Dota 2 ng ilang taon na rin, ngunit siya’y naghanap ng alternatibong MOBA mobile game dahil nasira ang kaniyang laptop.
Sa season na iyon, nahabol niya ang rank na Glorious Legends, ang pinakamataas na ranggo sa panahon na ‘yon, habang ang kaniyang mga kaibigan ay na-stuck sa Grandmaster.
Habang siya ngayon ay majoring in Cyber Security sa kaniyang unibersidad, umalis siya sa kaniyang trabaho at inihinto ang kaniyang pag-aaral panandalian dahil nag-qualify ang Navi para sa M3 World Championship.
“I just went to my university and [informed them that] I will not attend exams,” ika ni Defender sa ONE Esports. “I qualified for a world championship as a Mobile Legends player!”
Kahit hindi pa niya alam kung papayagan siya ng kaniyang university na mag-retake ng kaniyang exams, at ni hindi man lang niya alam kung aabot ang kaniyang puntos sa lahat ng kaniyang subjects para maka-attend man lang ng exams, hindi man lang nagsisi si Defender sa kaniyang desisyon.
“I want to build a career as a Mobile Legends pro player. I think I should put 100% of my time into this,” ang kaniyang nasabi.
Paano nga ba ang mag-compete para sa ngalan ng “Navi”
Hindi lang pag ani ng oportunidad upang lumaban sa M3 World Championship, si Defender at ang lahat ng miyembro ng Deus Vult squad ay hinawakan na ang pagkakataong maging parte ng isa sa mga pinakamalalaking esports organizations sa mundo bago pa man magsimula ang torneo.
Kilala bilang pinakamahusay na EXP Laner sa buong CIS region, naging parte siya ng Deus Vult matapos noong M1 habang ang team na ‘to ay naghahanap ng fighter main.
“If you play good in CIS region, all the good players will know about you,” paliwanag ni Defender. “If you play consistently for a few seasons and consistently show good results, you’ll eventually get a good team.”
Kahit pa paulit-ulit na patunayan na sila ang pinakamahusay na team sa CIS, ang Deus Vult bilang squad ay hindi naisip kailanman na kakatok sa kanilang pintuan ang Natus Vincere.
“It’s not even a dream, it was a joke between team members. We thought it will never happen,” sabi ni Defender.
Kaya nga nama’y naging napakalaking bagay para sa kaniya at sa kaniyang teammates ang pagiging parte ng Navi. “I’m feeling more confident, and I feel more responsibility in terms of gameplay, in terms of representing the region, and Navi as an organization,” he added.
Bilang tagapagtaguyod ng team, inamin ni Defender ng Navi na naramdaman din niya ang pressure noong una, pero hindi sa isang negatibong paraan. “The only pressure I felt during the tournament was being on stage,” nabanggit niya. “It’s a second time for me, being in an offline tournament.”
Paano naisip ni Defender ang kaniyang in-game name (IGN)
Ayon kay Defender, ang kaniyang original na “super weird” in-game name ay nakasaad sa Russian language na pag isinalin ay magsasabing “I’ll try”. Ang kadahilanan bakit niya ito napili ay dahil siya ay nanggaling sa Dota 2, at mas naramdaman niya na kayang-kaya niyang laruin ng sa mataas na lebel ang isang bagong mobile MOBA game.
“I’m not sure I will carry, but I’ll try,” paliwanag ni Defender ng Navi.
Matapos makamtam ang mataas na ranggo sa CIS region, ang mga players sa kaniyang server ay nag-payong baguhin niya ito.
“A lot of players told me I should change my nickname because it’s very stupid,” ika ni Defender. “I was tank main at that time, so I changed it to ‘Defender’.”
Ang sulat na ito’y pagsalin mula sa orihinal na article na ito.