Ikinagalak ni Aldean “DeanKT” Tegar Gemilang ang tagumpay ng national team ng Indonesia sa Mobile Legends: Bang Bang category ng kakatapos lang na International Esports Federation World Esports Championship 2022 (IESF WEC 2022).

Pinangibabawan ng Indonesia ang naturang turneo matapos selyuhin ang gintong medalya mula sa MLBB, Dota 2, at eFootball, maging ang bronze medal mula sa Women’s category ng Counter-Strike: Global Offensive. Patunay ito sa mataas na kalidad ng esports players sa naturang bansa.

Panoorin ang reaction ng dating EVOS Esports VP DeanKT sa panalo ng Indonesia sa IESF
Credit: ONE Esports

Espesyal para sa bansa ang tagumpay ng koponang binubuo ng mga manlalaro ng EVOS Legends. Napabulaanan nila ang pagdududa mula sa maagang nilang pagkakatanggal noong nakaraang season ng MLBB Professional League Philippines matapos walisin ang SIBOL sa grand final.

Maging ang mga dating manlalaro ng naturang organisasyon, gaya nina Oura, Donkey, at REKT at hindi naitago ang kanilang kaligayahan. Gayunpaman, wala sa mga ito ang may pinakamagandang reaksyon sa tagumpay ng Indonesia sa IESF WEC 2022.



Ang reaksyon ni DeanKT sa tagumpay ng Indonesia sa MLBB cateogry ng IESF WEC 2022

Panoorin ang reaction ng dating EVOS Esports VP DeanKT sa panalo ng Indonesia sa IESF
Credit: DeanKT

Nagtatalon sa tuwa habang sumisigaw pa ang dating Vice President ng EVOS Esports na si Aldean “DeanKT” Tegar Gemilang habang nagiging tiyak ang panalo ng Indonesia kontra Pilipinas.



Ito na ang ikalawang titulong nasungkit ng bansa sa larangan ng MLBB matapos ang tagumpay nila sa M1. Matapos kasi nito, nakilala na ang Pilipinas bilang ang pinakamalakas na bansa sa laro.

Magandang pangitain ito para sa Indonesia bago matapos ang taon. Nakatakda kasi nilang agawin ng kanilang kinatawan na ONIC Esports at RRQ Hoshi mula sa Blacklist International ang kampeonato sa M4 World Championship .


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: 3 dahilan kung bakit nanalo ang Indonesian MLBB team sa IESF 14th WEC