Matagal na ipinagtaka ng EVOS Legends fans ang rason kung bakit nilagay sa EVOS Icon (MDL team ng brand) ang batikang jungler na si Ferxiic sa pagsisimula ng MPL Indonesia Season 10. Hanggang kamakailan ay binasag na ni REKT ang katahimikan tungkol sa ginawa ng White Tigers sa star player.

Credit: EVOS Esports

Mababalikan na isa si Ferxiic sa mga pinakatalentadong core players sa liga. Susi ang kaniyang play para makalawit ng Legends ang MPL korona noong Season 7. Ngunit matapos ang dekalibreng play sa nasabing season ay ginambala ang EVOS star ng inconsistency sa mga sumunod na kampanya kasama ang team.

Credit: ONE Esports

Delubyo ang inabot ng White Tigers na bigong makuha muli ang tropeyo sa Season 8 at 9, at ngayong Season 10, nakamtan ng esports team ang pinakamasaklap nilang standing sa liga ng magapi ng pitong magkakasunod na matches papunta sa 8th place sa 7th place.


REKT inilahad ang rason ng pagbaba kay Ferxiic sa MDL

Credit: MPL ID

Sa isang reaction content video inilapag ng dating EVOS Legends superstar na si REKT ang dahilan sa likod ng pag-demote kay Ferxiic papunta sa developmental team. Aniya, salarin daw ang management ng team na nagkulang raw sa paggabay sa star player.

Sa pagsasalin sa wikang Filipino, sabi ni REKT “Hindi mental management ang dapat i-kontrol ng team, kundi ang star syndrome ng EVOS pros kapag nananalo.” Dagdag pa ng dating kapitan ng team, “Nagbago si Ferxiic dahil nakamapante na dahil champion (noong Season 7).”

Hindi naman itinanggi ni REKT na magaling talaga ang batang pro, kung kaya’t mahalagang maalagaan ito ng management ng koponan.

May pag-asang maibalik si Ferxiic sa lineup sa mga susunod na events tulad ng ONE Esports MPL Invitational, Esports President Cup 2022 at MPL ID Season 11. Kung magagawa ni Coach Zeys na maitambal ang husay ng kaniyang EVOS Icon players sa kasulukuyang EVOS Legends roster ay malaki ang tiyansang lulutang muli ang bandera ng White Tigers sa eksena.

Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Naniniwala si Baloyskie na maaaring nakapasok ang Geek Fam sa MPL ID S10 playoffs kung ganito ang nangyari