May solusyon ang Bigetron Alpha sa mga koponang isinesentro ang kanilang draft sa Faramis pick. Ito ang ipinakita nila sa laban kontra RRQ Hoshi sa ginanap na CloseD Qualifier sa 2022 Esports President’s Cup sa Indonesia.

Pugo sa Red Robots ang King of Kings na sinubukang paganahin ang meta mage sa dalawang pagkakataon, ngunit dalawang ulit na nabigo sa tulong matalinong drafting at in-game strategy.


Paano nasagot ng Bigetron Alpha ang Faramis?

Credit: ONE Esports

Dalawang laro na bukas sa drafting phase ang Faramis kung kaya’t hindi pinalagpas ng RRQ Hoshi na kuhanin ang meta hero. Maaalalang isa ang mage sa pinakamalakas na heroes sa meta dahil sa kakayahan nitong diktahan ang teamfights. Gayunpaman, hindi inasahan ng King of Kings ang sagot na inihanda sa kanilang Red Robots.

Sa unang mapa, midlane role ang pinunan ng Faramis ng RRQ na agad namang tinugunan ni Coach Vrendini ng matinding kombinasyon ng Lylia at Diggie. Sa laning phase, makikitang hirap ang meta pick laban sa mage ng BTR dahil bukod sa bilis nitong mag-clear ng waves ay panay pokes ang ang nakain ng midlaner.

Bagamat may mga pagkakataong naipadama ng Faramis ang lakas nito sa teamfights sa late game ay may insurance ang BTR sa ultimate ng Diggie. Sa mga pagkakataong pipihit ng Cult Altar ang RRQ ay Time Journey naman ang ireresponde ng BTR para makalabas-pasok ng team fights.

Dahil sa pahirap na ginawa sa unang laro ay pinili ni Coach Fiel na isalang ang Faramis sa roam position para kay Vyn, kasabay ng makatwirang ban sa Diggie. Ngunit matalino muli ang sagot ng Bigetron sa hamon ng piliin nila ang Atlas.

Hindi nagawa ni Vyn na makipagsabayan sa crowd control ng tank ng BTR lalo pa’t patuloy ang pokes sa kaniya ng Lylia. Kaya naman, puwersado ang pag-activate ng RRQ roamer sa Cult Altar ultimate, na agad sasamantalahin ng Bigetron. 

Kaluanan ay nagawa ng Bigetron na makalawit ang upset win kontra sa MPL ID S10 regular season runner ups.

Sa tingin niyo, Lylia, Digge at Atlas na ba ang heroes na maaaring makasabay sa Faramis?

I-like at i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Bigetron Beta rumagasa sa playoffs, kampeon ng MDL ID Season 6