Isa ang Beatrix sa pinakapopular na marksman sa Mobile Legends: Bang Bang dahil sa uri ng kit na mayroon ang hero. Sa competitive play, talamak ang pagsalang ng hero dahil sa lakas nito mang-harass sa early game, bukod pa sa kakaibang power spike nito sa late game.

Credit: Moonton

Sa ranked matches, maganda na malaman ang counter heroes sa Beatrix ng sa gayon ay mapigilan siya na mag-snowball. Pero anu-ano nga ba ang heroes na maaaring pumurnada sa arangkada nito?

Gamitin ang 3 picks na ito sa susunod mong RG.

Counter heroes sa Beatrix

Natalia

Credit: Moonton

Puwerhisyo ang Natalia sa lahat ng malalambot na heroes sa laro at hindi liban ang popular na marksman dito.

Unang rason kung bakit isa ito sa counter heroes sa Beatrix ay dahil sa likas na bilis ng movement speed nito na epektibo kontra sa Renner at Bennett.

Ang simpleng combo ng Claw Dash at Hunt ay sapat para-burst down ang Dawnbreak Soldier, lalo na kung nakabuo na ng offensive items ang Natalia.


Clint

Credit: Moonton

Kung hindi ka kumportable sa paghawak ng assassin heroes, maaari mong harapan ang Beatrix ng kapwa nito marksman na si Clint. Magandang opsyon ang hero dahil makati ang kaniyang damage kahit pa hindi kasing-bilis ng Natalia.

Partikular na rason kung bakit popular sa listahan ng counter heroes sa Beatrix ang Clint ay ang kaniyang early game poke skill na Quick Draw. Kapag nakuha na ang level 4, mas mataas ang tiyansang mapataob ang kalabang marksman dahil sa combo nito kasama ang Grenade Bombardment skill.

Maganda man ang marksmen na Wanwan at Karrie para makaiwas sa skills ni Beatrix, sapat ang lakas ng damage ng Clint para makipagsabayan sa kaniya sa lane.


Lancelot

Credit: Moonton

Kung popular na marksman ang Beatrix, kasing-popular niya ang Lancelot kung assassin heroes ang pag-uusapan. Masakit kasi ang damage nito bukod sa swabe ang kit ng hero bilang pangontra sa marksman.

Lahat kasi ng skills ni Lancelot ay may dodge at dash effect kaya naman pabor ang matchup sa kaniya. Kung gagamitin man ng marksman ang Bennett’s Rage, Nibiru’s Passion, at Renner’s Apathy ay madali itong maiiwasan ng Thorned Rose, sabay pa ng Phantom Execution.

Isa sa counter heroes sa Beatrix ang Lance dahil kung sa 1v1 matchup ay siguradong taob ang marksman.

Para sa iba pang gabay sa Mobile Legends, sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Vexana at Faramis nakatanggap ng emergency buffs matapos mag-underperform sa patch 1.6.94