Ilang linggo na lamang ay gugulong na ang inaantabayanang M4 World Championship kung saan magbabakbakan ang pinakamagagaling na Mobile Legends teams sa buong mundo. Pangunahin sa mga inaabangan ang ONIC Esports ni Denver “Coach Yeb” Miranda at Kairi “Kairi” Rayosdelsol na isa sa mga paboritong manalo ng pinaka-prestihiyosong tropeyo sa laro.

Ito ang ikalawang M World Series na kalalahukan ng coach-player duo, karugtong ng kanilang 1st runner up finish sa M3 noong nakaraang taon. Kaya naman, hindi lamang ang tropeyo ng M4 ang inaasam ng MPL Indonesia Season 10 champions.

Credit: ONE Esports

Sa EMPETALK kasama si Jonathan Liandi, inamin nina Coach Yeb at Kairi ang nagtutulak sa kanila na galingan pagdako ng international event sa Jakarta ngayong Enero.


Coach Yeb at Kairi gustong makabawi sa Blacklist, nakatutok sa preparasyon papunta sa M4

Credit: Jonathan Liandi

Hindi na bago para sa mga miron ang kuwento nina Coach Yeb, Kairi at ang katunggali noon na Blacklist International. Sa MPL PH Season 8, ang koponan ng Tier One ang pumurnada sa tangka ng ONIC PH (kung saan dating miyembro ang dalawang pro) na masungkit ang unang kampeonato para sa organisasyon. Gayundin ang kuwento sa M3 World Championship pinadapa sila ng V33Wise duo sa 4-0 sweep.

Kaya naman ilang linggo bago ang M4, inamin ng ngayon ay mga pambato na ng ONIC Esports sa Indonesia na pinaghaandaan nilang maigi ang bakbakang magaganap, lalo’t nagbabalik ang Blacklist para depensahan ang kanilang korona.

Credit: ONE Esports

Para kay Kairi, sisiguraduhin daw niyang magtratrabaho siya ng maigi para makamit ang inaasam na kampeonato dahil mas mainit na daw ang kumpetisyon ngayon. 

“I just want to work hard because even if I think, we can beat anyone, all other teams can beat us. We can beat them but they can also beat us. That’s why whoever works hard, that’s the one who deserves it,” sabi ng MPL ID Season 10 Most Valuable Player.

Si Coach Yeb naman, hindi itinago kung bakit mahalaga ang gugulong na kumpetisyon para sa kaniya.  “Every tournament I join, I always think we can be champion. But this M4 is a little bit [more] meaningful for me, because I want revenge from Blacklist.”

Credit: Moonton

Paglilinaw naman ng esports veteran “We lost in the grand finals. I mean we’re friends but we have that competitiveness.”

Dagdag naman ni Kairi, “It’s still Blacklist International (the strongest team in M4). I think it’s like, they work as five. Their teamwork makes them strong.”

Bukod daw sa defending champions, may iba pa daw na koponan na dapat bigyan ng atensyon. Kalahok dito ang mga pambato ng Myanmar at Cambodia na maalalang kinabibilangan din ng Pinoy coaches at players.

Credit: ONE Esports

“Cambodia has three Filipinos. 2 players and 1 coach. And also Myanmar. One coach,” ani ni Kairi.

Sundan ang pinakahuli sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Eksklusibo: Dahilan kung bakit sineryoso ng ONIC Esports ang MPLI 2022