Nagpaalam na ang Bigetron Alpha sa Filipino na si Vrendon “Coach Vrendini” Lin matapos ang isang season sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID).

Hindi naging kasing matagumpay ang naging kampanya ni Vrendini sa bago niyang koponan kumpara noong sa TNC Pro Team. Nakabawi-bawi lang Bigetron Alpha noong pumasok si Aditya “Mozia” Kusuma Putra bilang analyst at translator ng coach sa mga player.

Gayunpaman, bigo pa rin makapagtala ng magandang resulta ang koponan matapos nilang tuldukan ang kanilang kampanya sa ika-10 season ng MPL ID sa 5th-6th place.



Bigetron Alpha, pinakawalan si Coach Vrendini, sino ang papalit?

Coach Vrendini pinakawalan na sa Bigetron Alpha
Credit: Bigetron Alpha

Pinakawalan ng Bigetron Alpha si Vrendini sa kalagitnaan ng kanilang kampanya sa Piala Presiden Esports 2022 at bago sumabak sa ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022).

Pero tila may rason naman ang koponan dito. Ayon kasi sa CEO ng organisasyon na si Edwin “Starlest” Chia, papalitan ang Filipino coach ni Razeboy, bagamat wala pang opisyal na anunsyo ukol sa kanyang posisyon.

Coach Vrendini pinakawalan na sa Bigetron Alpha
Credit: ONE Esports

“Razeboy sekarang di Alpha, tapi belum tahu bakal jadi head coach atau analis. Beta masih cari pelatih baru karena Mozia mau kembali ke scene ladies dulu,” kwento niya sa kanyang livestream.

(Nasa Alpha ngayon si Razeboy, pero hindi pa alam kung magiging head coach ba siya o analyst. Naghahanap pa rin ng bagong coach ang Beta dahil gustong bumalik ni Mozia sa women’s league.)

“Vren di farewell karena ternyata tidak cocok sama para pemain di sini,” dagdag niya.

(Nagpaalam kami kay Coach Vrendini dahil hindi siya akma sa players doon.)


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Eksklusibo: Dahilan kung bakit sineryoso ng ONIC Esports ang MPLI 2022