Gigil na bumawi ang RSG Slate Philippines na ginagabayan ni head coach Brian “Panda” Lim sa kanilang ikalawang serye sa Week 2 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 11.

Matapos talunin ng Smart Omega sa iskor na 2-0 kahapon, pinagbuntunan ng Raiders ang wala pang panalo na TNC at ikinasa ang mabilis na 2-0 sweep upang umangat sa 6 points at 2-1 series win-loss record.

Bagamat mabilis na naka-bounce back, sinabi ni Coach Panda na marami pang kailangang ayusin ang reigning Mobile Legends Southeast Asia Cup (MSC) champion team at inilahad din niya ang kanyang goal para sa koponan sa gumugulong na MPL PH Season 11.


Ang saloobin ni Coach Panda pagkatapos ng 2-0 victory ng RSG Slate PH kontra TNC

Coach Panda ng RSG Slate PH
Credit: ONE Esports

Sa post-match press conference, inihayag ni Coach Panda ang kanyang pagkadismaya sa pagkatalo nila sa Smart Omega sa pagsisimula ng ikalawang linggo ng liga.

“Sa totoo lang, I was quite medyo disappointed and konting heartbroken sa loss yesterday. Hindi dahil sa talo, pero it’s just that ‘yung mga bagay na tinuro ko sa kanila before, they forgot about it,” saad niya. “Kahit they were so consistent sa stream, it didn’t happen sa tournament. So on that part, I kinda felt like we still have lot to go.”

Ani pa ng 2-time MPL champion at SEA Games gold medalist coach, naging kalaban nila ang kanilang mga sarili. “I guess Omega played well naman, pero as you guys saw, we dominated early game, we lost sa late-game decisions. And I told my team, we lost because ‘yung sarili namin.”

Credit: MPL Philippines

Agad namang rumesponde sina John Paul “H2wo” Salonga at kanyang mga kakampi sa sermon ni Coach Panda nang harapin nila ang TNC.

“So ang difference today is we did our best as a team, to stay consistent, disciplined and focused, and not lose to ourselves. And that was the performance that showed today.”

Gayunpaman, layunin niya na ituring ng fans ang RSG Slate PH bilang isang top-tier team. Ayon sa kanya, wala nang bigat ang kanilang MSC victory sa estado nila ngayong season.

Credit: MPL Philippines

“We have Light, Emann, Nathz–our MSC player– and we have 2 new players (H2wo at Exort sa main five). So kahit they won championship, it doesn’t matter anymore unless the team right now performs at the top tier. Like I told any player, you are not a top-tier player if your team is not a top tier team.”

“So my goal is–individually, yes they all played well naman–but my focus talaga is to have the whole team be top-tier before the playoffs. And I will do my best for that.”

Ipagpapatuloy ng RSG Slate PH ang kanilang kampanya kontra Bren Esports at Blacklist International sa ikalawa at ikatlong araw ng Week 3.

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.