Hindi umano ikinagulat ni Brian “Coach Panda” Lim ng RSG PH ang kanilang mabilis na pangwawalis sa ONIC PH sa unang araw ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10) playoffs.

Mariing binawian ng Raiders ang Yellow Hedgehogs sa pamamagitan ng 3-0 sweep sa unang parte ng playoffs para umarangkada sa upper bracket semifinals at ilista ang kaabang-abang na serye laban sa ECHO.


Ibinahagi nila Coach Panda at Coach Giee ang paghahanda ng RSG PH para sa MPL PH S10 playoffs

Coach Panda at RSG PH sa MPL PH S10 playoffs stage
Credit: MPL Philippines

Matatandaang hindi nanalo ni isang laro ang defending MPL at MSC champion na RSG PH laban sa rookies ng ONIC PH sa regular season. Sa kabila nito, nagtapos ang koponan ni Coach Panda bilang No. 3 seed at pinili pa rin ang ONIC na makalaban sa unang round ng playoffs.

Bagamat ramdam ang pressure, alam ng beteranong MPL PH coach kung ano ang kailangan nilang gawin upang maging handa para sa mahalagang bahagi ng kanilang pagdepensa sa trono.

“What we did is before kami mag-prepare sa ONIC PH, we made sure na lahat–discipline, motivation, communication, and other things–maayos na,” wika ni Coach Panda sa post-match press conference. “Sa lahat ng scrims namin, we really didn’t prepare for certain teams.”

Aminado rin ang two-time MPL winning tactician na hindi siya nasorpresa sa naging resulta ng serye laban sa ONIC. Pagdidiin pa niya, pakiramdan nila ay mas malakas sila ngayon kumpara noong nakaraang season.

Credit: MPL Philippines

“We were not surprised because honestly our performance right now is stronger than our MPL Season 9 and MSC,” saad niya. “We did expect to become stronger, and as long as we do not commit the same mistakes in the regular season, kahit sinong kalaban dito sa playoffs we can win.”

Inilahad naman ni Karl “Coach Giee” Barrientos ang pinakamalaking factors sa pagbabalik ng tikas ng Raiders. Aniya, focus at disiplina sa paglalaro ang pinagtuunan nila ng pansin bago sumalang sa playoffs.

Credit: ONE Esports

Nakatakdang harapin ng RSG PH ang No. 2 seed na ECHO sa isang best-of-5 serye bukas simula ala una ng hapon. Ang mananalo ay aabante sa upper bracket finals kung saan posibleng nakataya ang unang slot ng Pilipinas sa M4 World Championship.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.