Dikdikan ang unang seryeng itinampok sa Day 2 Week 4 ng MPL Philippines Season 11 tampok ang RSG Slate Philippines at Nexplay EVOS. Sa huli ay natagpuan ng Raiders ang tagumpay sa mga huling bahagi ng game three para makalawit ang ika-apat na tagumpay sa anim na laro.

Credit: MPL Philippines

Gayunpaman, inamin ni Brian ” Coach Panda” Lim sa post-match interview na hindi siya masaya sa naging performance ng kaniyang koponan kontra sa White Tigers. Idinitalye pa nga ng beteranong coach na magkakaroon ng full game review at “scolding” pagbalik nila sa bootcamp.


Coach Panda dismayado sa performance ng RSG Slate PH partikular na sa game three

Credit: MPL Philippines

Pagkatapos ibunyag ang pagkadismaya sa post-match interview kasama si Mara Aquino, nagkaroon ng pagkakataon ang media para lumalim patungkol sa pauna niyang komento kung saan sinabi ni Coach Panda, “Mamaya sa bootcamp, yari sila sa akin”

Paglalahad niya, hindi daw siya nasiyahan sa performance ng team partikular na sa deciding game three. “Lalo na sa Game 3, the macro game was very very poor. Because we could’ve actually played much much better but the team had too much overthinking, poor execution, hesitation moments and also poor map reading, and bad communication.”

Credit: MPL Philippines

Bagamat nakuha daw nila ang tagumpay, ani ni Coach Panda, hindi daw ito ang kabuuan ng kakayahan ng team lalo na kung ikukumpara sa naipapakita nito sa practice games.

“Pero for sa pro tournament versus NXPE game 3, we didn’t really show who we are. That is why sabi ko, full review, scolding later siguro for three hours,” seryosong kuwento ng bagong-minta na MPL PH Press Corps Coach of the Year.

Nagulantang ang RSG Slate sa ipinakita ng Nexplay EVOS na pinatahimik ang koponan sa game one. Taob ang Raiders kontra sa White Tigers sa pangunguna ni Jan Domenic “DomengDR“ Del Mundo hawak ang Cluade na kumalawit ng 5/3/3 KDA.

Credit: MPL Philippines

Samantala, itinawid naman ng Melissa ni Eman”EMANN” Sangco ang game two para sa hanay ng RSG, habang si Nathanael “Nathzz” Estrologo ang kumamada para sa team hawak ang Yu Zhong para takasan ang NXPE sa dikdikang game three.

Susubukang idisiplina ni Coach Panda ang kaniyang koponan bilang paghahanda sa numero unong ECHO para tapusin ang unang bahagi ng regular season.

Para sa mga balita ukol sa MPL PH ,sundan lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Inisip daw maglaro muli ni E2MAX sa gitna ng lose streak ng Smart Omega sa MPL PH S11, inilahad kung bakit