Nayanig ang kabuuan ng Mobile Legends eksena sa Indonesia ng mabigo ang paboritong EVOS Legends na makapasok sa MPL Indonesia Season 10 Playoffs. At hindi kataka-taka kung bakit ganito na lamang ang reaksyon ng fans ukol dito.
Bukod sa ito ang unang pagkakataon na wala ang EVOS sa post-regular season play, malaki ang epekto nito sa estado ng brand na hindi lamang sa lokal na eksena ipinakilala ang kanilang gilas at style of play. Mababalikan na ang White Tiger ang nag-iisang Indonesian team na nakakalawit ng M World Championship trophy.
Gayunpaman, hindi bago sa esports ang delubyo na naranasan ng isa sa pinakasikat na esports organization sa Indonesia. Matatandaan na pati ang Filipino team na BREN Esports ni Francis “Coach Duckey” Glindro ay dumaan sa matarik na daang ito.
At ngayong bumabalik na sa dating tikas ang kaniyang koponan ay nagbahagi si Coach Duckey tungkol sa kaniyang karanasan at patuloy na nararanasan sa tangka niyang bumalik sa rurok ng Mobile Legends eksena.
Coach Duckey inilahad ang kaniyang opinyon tungkol sa naganap sa EVOS ngayong S10
Nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na makausap ang BREN Esports head coach na dati ring parte ng EVOS Legends ukol sa mga naganap sa White Tigers ngayong Season 10. Pag-amin niya, may pagkakapareho ang tinahak na landas ng EVOS at ng kaniyang team.
Sa tanong kung ano sa tingin niya ang naging problema ng Indonesian team, malalim ang hugot ng esports veteran. “When the working foundation of a certain team becomes obsolete as to the case of BREN post-M2 and now EVOS Legends and some other notable teams in other Esports titles, issues tend to arise.”
Inilista rin ng utak sa likod ng BREN ang mga posibleng rason kung bakit ganito na lamang ang nagaganap sa mga koponang nakatikim na ng tagumpay sa pinakamataas na lebel ng kumpetisyon. “Pressure will ultimately be one of the biggest factor as rookies or new players have immense shoes to fill. Some other things come in to play such as chemistry, motivational athmosphere and etc.”
“In my opinion the biggest issue with EVOS this season is that they kept switching players around. I found it difficult to do this last season and the season prior to it. Moreover, other teams that did the same, found several problems when switching players around,” paglilinaw pa ni Coach Duckey.
Hindi rin itinago ng dekoradong coach ang kinailangan niyang gawin para mahulma sa dating porma ang kaniyang team. “I completely revamped and ramped up our training structure. I attempted to focus on our player’s key operating character which is their receptiveness and had everyone involved in the process.
“It seems to be working in the interim,” paglalahad niya.
Habang bigo ang EVOS Legends na makalahok sa MPL ID Season 10 playoffs, sasabak naman ang BREN Esports ni Coach Duckey sa matarik na playoffs ng MPL Philippines na magsisimula ngayong October 20.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang exclusive content.