Opisyal nang ipinakilala si Dale “Coach Dale” Vitug bilang ang pinakabagong coach ng Falcon Esports matapos ang ilang linggo ng spekulasyon.

Isinapubliko ng organisasyon ang naturang desisyon isang araw bago magsimula ang Myanmar Qualifier para sa M4 World Championship, kung saan ang kampeon ay magiging kinatawan ng bansa para sa ika-apat na yugto ng pinakamalaking Mobile Legends: Bang Bang tournament sa buong mundo.

“With an international coach, we will ignite the beautiful fire in Myanmar’s esports scene,” sulat ng Falcon Esports. “We believe he will be the one who will raise our MLBB Esports scene moving forward.”

(Sa tulong ng isang international coach, muli naming pag-aalabin ang apoy ng magandang esports scene ng Myanmar. Naniniwala kaming siya ang mag-aangat sa aming MLBB Esports scene sa mga susunod na panahon.)


Coach Dale pangungunahan ang Falcon Esports sa M4 Myanmar Qualifier

Coach Dale kinuha ng Myanmar MLBB team na Falcon Esports
Credit: MSC 2022

Gagabayan ni Coach Dale ang hasang roster ng Falcon Esports na binubuo nina Min Khant “yellowflash” Hein, Kenneth “Kenn” Hein, Pyae Sone “justiN” Khant, Yair “Ability” Naung, Silent, Zippx, and Min “Naomi” Ko Ko.

Bago ang qualifier, winelcome din ng koponan ang dating Burmese Ghouls player na si Swan Htet “RubyDD” Aung, na tanyag sa kanyang Lunox noong kampanya nila noong M2 World Championship.

Coach Dale kinuha ng Myanmar MLBB team na Falcon Esports
Screenshot ni Julian Elona/ONE Esports

Hindi na bago kay Coach Dale ang mag-coach ng star-studded na koponan. Sinimulan niya ang kanyang coaching career noong MLBB Professional League Philippines Season 4 kasama ang Sterling Global Dragons, bago lumipat sa Aura PH noong Season 7, na naging ECHO pagpasok sa susunod na season.

Matapos ma-eliminate ng Smart Omega sa playoffs ng Season 8, inanunsyo ni Coach Dale ang kanyang pagreretiro sa liga.

Hindi naman nakaselyo ng kampeonato sa haba ng kanyang karera sa MPL PH, malaki rin ang naging papel ng naturang coach para mauwi ng SIBOL, ang national esports team ng Pilipinas, ang gintong medalya sa MLBB event ng 2019 Southeast Asian Games.

Samantala, una namang nakilala sa international scene ang Falcon Esports nang sumabak ito sa MLBB Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022). Bukod sa tinapos nila ang kampanya sa ika-apat na puwesto, sila lang din ang tanging non-MPL team na nakatapak sa playoffs.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Si Kairi ang best Jungler sa unang bahagi ng MPL ID S10