Bilang dating coach ng ONIC Esports, tiyak na gamay ni Ronaldo “Aldo” Lieberth ang kalakasan at kahinaan nito.
Pero ngayong nakahanap na siya ng bagong tahanan sa ilalim ng Bigetron Alpha para sa ika-11 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID), nakapanayam ng ONE Esports si Coach Aldo ukol sa bentahe ng dati niyang koponan kung ikukumpara sa bago niyang ginagabayan.
“Pasti ada. Lebih soal disiplin sih. Bisa kita lihat juga kemarin BTR kalahnya karena tidak disiplin saja kan dan saat ini memang sudah mulai terbentuk lah, dari pekan ke pekan, dari game ke game. Itu hal yang sudah matang di ONIC tapi belum ada di Bigetron,” paliwanag ni Coach Aldo.
(Malamang ‘yung disiplina. Nakita natin kung paano matalo ang BTR dahil hindi sila ganoon ka disiplinado at ngayon nahuhulma na ito, kada linggo, kada laro. ‘Yun yung natutunan ng ONIC na kailangan pang matutunan ng BTR.)
KYY inaming dinidisiplina sila ni Coach Aldo sa Bigetron Alpha
Disiplina ang isa sa pinaka-importanteng aspeto para sa isang professional team para magawang makipagsabayan sa mga kalahok ng MPL ID.
Inamin naman ni Hengky “Kyy” Kurniawan, ang pinakamatagal nang player ng Bigetron Alpha, na isyu nga sa kanilang koponan ang disiplinang sinusubukang ayusin ni Coach Aldo.
(Totoo na may improvement, at ipinaintindi rin sa akin ni Aldo kung ano pa ang kailangan kong pagtuunan ng pansin. Marami ito, hindi lang disiplina.)
Ngayon, unti-unti nang nararamdaman sa resultang kanilang naitatala ang turo ng naturang coach pagdating sa disiplina. Papasok kasi sila sa ikatlong linggo ng regular season na may dalawang panalo mula sa Alter Ego at EVOS Legends.
Susunod sa kanilang listahan ay ang Rebellion Zion, Geek Slate, at Alter Ego.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Bakit nilabas ni Wise ang Alice jungle sa MPL PH S11 Week 2? Ito ang dahilan