Karugtong ng anunsyo ukol sa opisyal na roster, malaking tanong para sa mga miron kung bakit tatlo ang roamers na kasama sa Mobile Legends: Bang Bang National Team ng Indonesia.

Ito kasi ang unang pagkakataon na may ganitong bilang ang naturang posisyon sa teams na ipinadala ng bansa sa MLBB event sa Southeast Asian Games. Hindi lang simpleng fans ang nagtaka sa ganitong desisyon, kundi ilang malalaking pigura sa larangan tulad ng Bigetron Esports CEO na si Edwin Chia.

Tiwala siya na ang nakuhang roster ay resulta ng mahabaong selection process, ngunit ipinagtataka pa rin niya kung bakit ito ang makeup ng lineup na isasabak sa international na patimpalak.

Si Coach Adi aka Coach Acil ng ONIC Esports, nagbigay ng bahagyang paliwanag ukol dito.


Coach Adi nagsalita ukol sa tatlong roamers na napabilang sa MLBB National Team ng Indonesia

Credit: MPL Indonesia

Lumabas ng walang galos ang ONIC Esports sa unang bahagi ng MPL Indoesia Season 11. Matapos ang huling serye ng team, nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na makausap si Coach Adi ukol sa MLBB National team lalo pa’t parte siya ng coaching staff nito.

Sa tanong kung bakit namili ng tatlong roamers ang staff, nagpahapyaw ng katwiran ang beteranong coach. 

The selection of the three roamers aims to make it easier to form chemistry, select game-play, and there are other considerations that I cannot mention. Overall, this is the best arrangement we could get,” tugon ni Coach Adi.

Hindi biro ang dinadaanang proseso para makapamili ng players na isasabak sa naturang koponan. 

Credit: PB ESI

Sa nakaraang edisyon ng National Team na pinamunaan ni Coach Zeys, binanggit ng EVOS Legends coach na kinailangan ng 225 scrimmages para sa selection process. At kung ganito rin ang gumulong sa proseso sa team ngayon ay siguradong ito na ang komposisyon na maaaring makuha. 

Inaantabayanan ngayon ang magiging performance ng Indonesian national squad sa darating na 2023 SEA Games na magsisimula sa May 5.

Pagsasalin ito sa sulat ni Alfa Rizki ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Nag-trial and error daw ang ONIC Esports kaya nakasilat ng 10-minute game ang Alter Ego