Maraming pagbabago sa roster ng RRQ Hoshi papasok sa ika-11 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID).
Matapos kasing ianunsyo ni Rivaldi “R7” Fatah na siya ay magpapahinga muna dahil sa iniindang hand disease, kinumpurma rin ng organisasyon ang pag-lisan ni Coach Adi “Acil” Syofian.
Si Coach Acil ang kasama ng RRQ Hoshi noong M1 World Championship, kung saan muntik nilang masungkit ang kampeonato mula sa kamay ng EVOS Legends. Nagsilbi rin siya bilang coach ng Aero Wolf Pro Team noong MPL ID Season 6, saka bumalik sa King of Kings noong sumunod na season.
Tinulungan niya ang RRQ Hoshi na iselyo ang kampeonato noong MPL ID Season 9, maging ang ikalawang puwesto noong ikawalo at ika-10 seasons ng liga, pati na rin noong MLBB Southeast Asia Cup 2022.
Sa kabila nito, si Coach Acil pa rin ang tinuturong dahilan ng Kingdom, ang fanbase ng RRQ Hoshi, sa tuwing nabibigo sila sa mga turneo, lalo na noong M4 World Championship. Kahit pa kasi perfect attendance ng koponan sa seryeng ito, bigo pa rin nilang maselyo ang kampeonato.
- Eksklusibo: Dlar ipinaliwanag ang kanyang ‘Lft’ tweet
- Pano maging magaling na Chou player? Ito ang tips ni Chou God Yawi
Hindi na muling nag-renew ng kontrata si Coach Acil sa RRQ Hoshi
Agad nag-deactivate ng Instagram account si Coach Acil noong magtapos sa ikatlong puwesto ang kampanya ng RRQ Hoshi sa M4 World Championship.
Matapos ang ilang linggo, opisyal nang inanunsyo ng RRQ Hoshi sa kanilang social media accounts na hindi na nag-renew ng kontrata si Coach Acil.
Sa isang video na in-upload sa YouTube channel ng organisasyon, ibinahagi ni Acil ang kaniyang kwento tungkol sa kaniyang karera. Ipinahayag niya ang kanyang saloobin sa mga kritiko at ang halo-halo niyang emosyon bilang coach ng isa sa pinakamalakas na koponan sa buong mundo
“Orang itu kadang menilai dari luar saja. Kadang mereka tak mengerti apa yang terjadi di dalam RRQ. Betapa sulitnya kami berjuang, melawan ego masing-masing, betapa sulitnya kami untuk kasih tahu ke dunia bahwa seingin itu untuk juara,” lahad niya.
(Minsan, ‘yung mga taong humuhusga ang hindi nakaka-intindi kung ano ba talagang nangyayari sa RRQ. Hindi nila alam ‘yung hirap ng pakikipaglaban sa laro at pakikipaglaban sa sari-sarili naming ego. Hindi rin nila alam kung gaano namin kagusto na sabihin sa buong mundo na gusto namin maging kampeon.)
“Orang-orang hanya judge kami tak pernah juara dan cuma gitu-gitu saja. Padahal saya merasa kami semua sudah berjuang semaksimal mungkin dan seingin itu untuk juara,” dagdag ni Coach Acil.
(Humuhusga lang ang mga tao kapag hindi kami nananalo. ‘Yun na lang. Kahit na ibigay namin ang lahat ng aming makakaya para manalo.)
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.