Sinagot kamakailan ni Hafizhan “Clover” Hidayatullah ang tanong tungkol sa kung sino nga ba ang pinakamahusay na EXP laner sa kanyang koponan na EVOS Legends.

Puno ang organisasyon ng mga pagpipilian para sa naturang tanong. Nariyan si Maxhill “Antimage” Leonardo, ang Filipino import na si Gerald “Dlar” Trinchera, at ang manlalarong nababad noong kampanya nila sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10) na si Sebastian “Pendragon” Arthur.

Gayunpaman, wala sa mga ito ang para kay Clover ay ang best EXP laner sa EVOS Legends.

Si Saykots daw ang best EXP laner sa EVOS Legends para kay Clover

Sino ang best EXP laner sa EVOS Legends? Ito ang sagot ni Clover
Credit: ONE Esports

Sa isang video kasama si Antimage, tinanong mismo ng batikang EXP laner sa kanyang dating kakampi ang naturang tanong.

Kapansin-pansin man ang kanyang pagkakabigla, iginiit ni Clover na iba-iba ang depenisyon ng bawat tayo sa pagiging pinakamahusay. Kaya naman kung siya ang mamimili, si Saykots ang kanyang sagot.

“Gini, kalau untuk definisi jago setiap orang pasti berbeda-beda, bukan? Tapi, kalau harus disamakan sama lu (Antimage) antara Pen, Dlar dan Saykots yang paling mirip gameplaynya itu cuma Saykots,” paliwanag niya.

Credit: Zeys

(May kanya-kanya tayong palagay sa pagiging mahusay diba? Pero kung pagpipilian sina Pendragon, Dlar, at Saykots, ang pinakamagandang gameplay ay si Saykots.)

“Dia cut, cut, flank, flank dari belakang… Pokoknya yang paling mirip sama lu (Antimage) itu dia,” dagdag niya.

(Nagka-cut siya at lumilikod… si Saykots ang may pinakaparehong playstyle sayo [Antimage]).

Maaaring hindi pa naipakita ni Saykots ang buo niyang potensyal lalo na’t limitado ang mga pagkakataong nakapaglaro siya noong MPL ID S10, kumpara noong nasa EVOS Icon siya. Inamin din ito nina Antimage at Clover.

Sino ang best EXP laner sa EVOS Legends? Ito ang sagot ni Clover
Credit: Zeys

Ibinahagi rin ni Clover na isa siya sa mga manlalarong nagrekumenda na kunin si Saykots sa main team ng EVOS noong simula ng trial saka inakyat sa coach nilang si Bjorn “Zeys” Ong.

“Saya dari awal, dari awal trial nih saya udah bilang ke Bjorn kalau dia (Saykots) itu mirip banget (gameplay-nya) sama Antimage,” ani Clover.

(Sa simula pa lang ng trial, sinabi ko na kay Zeys na sobrang pareho ang playstyle nina Saykots at Antimage.)

Kinumpleto ngayon ni Saykots ang lineup ng EVOS Legends para sa Piala Presiden 2022 kasama ang ibang beterano gaya nina Ferdyansyah “Ferxiic” Kamaruddi, Vincentsius “Vaanstrong” Adrianto, at Jabran “Branz” Wiloko.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: EVOS Clover inulan ng pambabatikos, Coach Zeys dinepensahan ang gold laner