Hatid sa inyo ng kasama ang Samsung.

Natatangi ang Claude dahil simula nang ito’y mapasok sa Mobile Legends, halos hindi na ito nawala sa meta. Dumating sa punto na sa ngayon, “Support Emblem” pa nga ang ginagamit sa Gold Laner na ito.

Ngunit bakit nga ba nasabing “pasok sa kahit anong composition” ang Claude kahit ilang taon na rin mula noong nalagay ang Claude sa laro? Heto ang kompletong Claude item build, guide, at gameplay ng meta marksman sa Gold Lane.


Gold Lane Claude Item Build
Gold Lane Claude Item Build

Emblem Set para sa Claude

Natatangi din ang Claude ang kakaibang Emblem Set para sa isang Marksman: Hindi Assassin o Marksman Emblem, ngunit “Avarice” na galing sa Support Emblem Tree. Ito ay dahil sa kaniyang poke mechanic sa early stage, gamit ang kaniyang Art of Thievery.

Ang kaniyang Skill 1 na Art of Thievery ay sobrang spammable, at dahil sa ideya na kailangan mong laging gamitin ito pang-poke ng kalaban, naging perpekto ang Support Emblem Tree at Avarice. Extra Gold din ang nakukuha ni Claude mula sa Avarice, isang bagay na perpekto sa farm-dependent na Marksman tulad ng Claude. Dahil makakakuha ka ng 10 Gold sa bawat bato ng Art of Thievery (dapat ay tumatama sa Hero na katapat sa Lane) at may maliit na cooldown na 4 seconds, madaling maabot ang extra na 1,200 Gold para sa Claude.


Claude Item Build sa Gold Lane

Isang bagay na kailangang isipin sa Claude item build: farm-dependent talaga ang Gold Lane Marksman na ‘to. Kahit pa naman ito’y tunay na malakas na marksman. Kaya nama’y ang Emblem Set at Item Build ay naka-depende din sa pagpapabilis ng Farm ng Claude. Bukod sa Avarice, ang unang priority sa Claude item build ay Demon Hunter Sword, na parehas na pampabilis ng farm at saktong sakto na rin sa kit na meron ang Claude.

Maari ding mag-build ang Claude ng Steel Legplates, isang magandang casual item na i-build kung sakaling nakakaramdam ng pressure sa early stages. Maganda ang Steel Legplates bilang pinkaunang item, para hindi madaling ma-burst ng mga rotations ng kalaban, at pati na rin mas mainam makipag-trade sa laning stage. Matapos ang Steel Legpplate, maari mo nang i-rush ang Demon Hunter Sword.

Matapos ang Demon Hunter Sword, tuloy-tuloy na ang mabilisang pagfa-farm ng Claude, at makukuha na ang specialty item na Golden Staff (perpekto rin sa kit ng Claude dahil sa kaniyang Passive) at dire-diretso na sa kaniyang mga core items.

Malaking bagay rin ang Wind of Nature, na saktong-sakto sa bakbakan sa meta ngayon. Dahil dadating ang punto sa mid game na makikipag-harapan ang Claude sa katapat na marksman, ayos na ayos ang Wind-of-Nature upang manalo sa mga duels.

Situational item naman ang Haas Claws, kung sakaling nagamit na ang Wind of Nature o Immortality at kailangan ng pang madaliang item sa mga importanteng clashes.



Gameplay ng Claude

Kaya naging pasok ang Claude sa halos lahat ng team composition ay dahil sa ideya na isa siyang tunay na carry: maganda ang scaling ng Claude bilang marksman, kaya niyang mag-deal ng damage sa malalambot at pati na rin sa mga makukunat na heroes sa late game, at higit sa lahat ay AoE (Area-of-effect) ang kaniyang mga skills.

Napakalakas sa mga teamfight din ng Claude, kaya nama’y perpekto ang marksman na ‘to sa mid at sa late game.

Dahil dyan, ang kailangan na lang isipin ng Claude ay kung paano ang Early Game. Sa Laning stage, ang trabaho ng Claude ay hindi mamatay agad-agad sa lane at makapag-farm. Napaka-importante sa Claude na magamit ang Skill 1 (Art of Thievery) upang mag-ipon ng movement speed at attack speed, habang patuloy na ipinatatama ito sa katapat sa lane—sa tuwing mapapatama ang Skill 1 sa kalaban, bukod sa extra ASPD at MSPD, nakakakuha ng libreng 10 Gold ang Claude.

Ugaliing tumingin at makinig sa paligid, upang hindi basta-basta mamatay. Ang trabaho ng Claude sa early game ay mag-farm lang, at hindi mo kailangan na makipag-bakbakan sa early stages, libang na lamang kung safe na safe at sure na sure kang hindi mamamatay. Kadalasan, kung may risk ng pagkamatay, maigi pang mag-farm na lamang ang Claude, dahil ang tunay na Power Spike nito ay sa Late Game pa.

Pag dating ng Mid at Late game, ito na ang mga pagkakataong pwede na sa bakbakan ang Claude. Ang kailangan mo na lang isipin ay kung saan pu-pwesto, at kailan papasok gamit ang Blazing Duet (Ultimate). Isa pang bagay na kailangang isipin ay ang pag gamit ng Wind-of-Nature, at kadalasan itong ginagamit pag sabayan nang nakikipag-dwelo sa kalabang marksman.

Laging tandaan ang huling tip na ‘to: huwag magpapa-trade bilang Claude, dahil sobrang importante ng iyong buhay, at ikaw ang magbubuhat at magiging source ng damage output ng iyong team sa mga importanteng parte ng laro.

Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.