Pinatunayan muli ni Muhammad “CikuGais” Fuad kung bakit pamoso ang kaniyang pangalan sa larangan ng Mobile Legends. Ito ay karugtong ng krusyal niyang plays sa para imaneho ang Todak papunta sa tagumpay kontra RSG Singapore para umabante papunta sa MPL Invitational 2022 Semifinals.

Credit: ONE Esports

Pambihirang tapang at asim ang ipinamalas ng beterano sa dalawang larong kinalahukan. Sa halip na umurong para sa free hits ng kaniyang Claude (game one) at Bruno (game two) ay umabante ang kaniyang marksmen para kuhanin ang mahahalagang trades na sa huli ay nagbigay ng kalamangan para sa kaniyang hanay.


CikuGais nagpamangha sa agresibong marksman plays, winalis ang RSG SG

Desimulado ang galaw ng RSG SG sa unang bahagi ng game one sa pangunguna ni Brayden “BRAYYY” Teo. Hawak ang jungler Martis, nagawa ng 17-anyos na makuha muli’t-muli ang turtle objectives bagamat talamak ang zoning na ibinigay ng Akai Heavy Spin ni Muhamad Alif Akmal “RIVAL.” bin Kamarulzaman.

Sinubukang samantalahin ito ng MPL SG Season 4 champions na tinangkang bigyan ang Claude ni CikuGais para mapigilan ang scaling nito ngunit bigo ang RSG SG makumpleto ang pagpugo.

Credit: ONE Esports

Sa huli ay malaking problema ang ibinigay ni Ciku na nagpakalawa ng makating physical damage para lusawin ang mga miyemrbo ng RSG. Sa mga pagkakataong nagkumpulan ang mga katunggali ay nahahanapng Todak gold laner ang malulupit na Battle Mirror Image + Blazing Duet combo para mabisto ang mga ito.

Credit: ONE Esports

Kahit pa 4/4/8 KDA lamang ang naipako ng Todak gold laner ay hindi nito nailista ang laki ng panganib na ibinigay niya sa posisyon ng mga katunggali. Sa kadalahinanang ito ay hinirang na Game MVP ang pro.

Credit: ONE Esports

Ipinagpatuloy ni CikuGais ang agresyon sa game two. Muli ay natagpuan ng Todak ang kanilang mga sarili sa dehadong sitwasyon matapos maghabol ng halos 7k gold sa loob ng 12 minuto. Gayunpaman, hindi nagpapigil si Ciku hawak ang Bruno na tumindig kahit pa sandamukal na damage ang karga ng RSG SG na may Pharsa at Beatrix.

Sa mga pagkakataong tinatangka ng Esmeralda o di kaya ng Mathilda na ihiwalay siya sa kaniyang mga kagrupo ay paabanteng Flying Tackle ang isinusukli niya sa mga ito para bigyan ng oras ang kaniyang teammates na makalahok sa fights.

Credit: ONE Esports

Ngunit ang nagdikta ng resulta ng laro ay ang isang engkwentro sa ika-15 minuto ng ipitin ng Todak ang Singaporeans sa top-side. Bagamat sa huli ay nakitil ang kaniyang Bruno ay susi ang Double Kill ni CikuGais para bigyang-daan ang Wipe Out at ang martsa ng kaniyang mga kakampi sa base ng kalaban.

Credit: ONE Esports

Sa panalo, aangat ang Todak sa MPLI 2022 semis at haharapin ang delikadong ONIC Esports.

Manatiling nakatutok sa MPLI 2022 sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Kairi dinaig si KyleTzy, pinaandar ang reverse ng ONIC Esports kontra Bren Esports sa MPLI 2022