Sobrang excited sina roaming main Jefferdson “Kekedot” Mogol at jungler Bryan Janus “Janus” Badando nung sila’y makatanggap ng tawag mula sa Cignal Ultra.
Ang paglalaro sa isang professional team ay pagkatupad din ng pangarap nilang maging esports player sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL).
Tulad ng karamihan sa newcomers, ang mga rookie na ito ay humarap sa napakaraming pagsusubok sa kanilang debut season.
Ang kanilang debut sa MPL PH Season 7
Sa isang interview sa ONE Esports, tugma ang iniisip ni Janus at Kekedot na ang experience na ito ay isang eye-opener. “It’s very different when you’re in the pro scene,” ika ni Kekedot.
“The anxiety I felt during my MPL debut made me realize that I still have a lot to improve on when it comes to my playstyle.”
Dumaan ang Cignal Ultra sa napakaraming pagbabago pagpasok ng season seven. Umalis si Lord Hadesss at Tsujin, at ito ang nagbukas ng pinto para kay Janus at Kekedot at sa kanilang pagsali sa isa sa mga pinakamalalaking esports organizations sa bansa.
Sang-ayon si Janus, at dinagdag na ang intensity ng MPL ay napakalayo sa kahit anong ranked game o scrimmage na nasalihan niya.
“It’s in the MPL where you’ll realize many things as a pro player,” sabi ni Janus.
Kekedot at Janus, lalagpasan ang kanilang kinakatakot
Buti na lang, ang kanilang pagkakaba ay unti-unting nawawala habang sila ay naglalaro sa bawat game day na dumarating. Malaking pasasalamat nila sa kanilang coach Paul Denver “Yebmaester” Miranda na nagbigay kay Kekedot at Janus ng payo kung paano nga ba nila malalagpasan ang kanilang anxiety pag in-game na.
Naging inspirasyon din sa dalawang rookie ang kanilang veteran teammates na sina Douglas Joseph “Imbadeejay” Astibe II at Jhones Alonzo “RHEA” De Leon.
“Imbadeejay is the calmest in the team as he always motivates us to do better in our performance,” binanggit ni Kekedot.
Sa mga araw na wala silang laban, naglalaro ng parlor games at ibang video games ang team para sila’y maging kalmado, at para na rin mag-build ng chemistry sa team.