Mapa-ranked game man o competitive play, hindi malimit makakita ng aksyon ang Carmilla. Ito ay dahil sa kapos ang hero sa crowd control skills na napakahalaga sa play ng teams ngayon. Ngunit matapos ang matagal na panahon, nagbabalik ang Carmilla bilang isa sa mga pinakaepektibong heroes sa Mobile Legends.

Sa paggulong ng MLBB Patch 1.7.32, umusbong ang pagsalang ng karakter sa RG. Malaki kasi ang epekto ng inilatag na pagbabago sa kaniyang ultimate skill kung kaya’t inaasahan din na maisasalang ito sa pro play, partikular na bilang pangontra sa pamosong Ultimate Bonding Experience (UBE) Strat ng Blacklist International.


Mga pagbabago sa Carmilla sa MLBB Patch 1.7.32

Credit: ONE Esports

Attributes

  • In-adjust ang stolen defense mula 6-12 papuntang 7-11

Ultimate – Curse of Blood

  • Maibabato na ni Carmilla ang Curse of Blood sa isang direksyon para makabuo ng isang malaking field na may slow effect sa mga kalabang mapapaloob dito
  • Ang mga kalabang matitira sa loob sa loob ng duration ay magiging immobilized at chained sa isa’t-isa, at mabibigyan ng slow effect.
  • In-adjust ang damage mula 275-525 +160% Magic Power papuntang 450-750 +130% Magic Power
  • Binawasan ang Linked damage Ratio mula 70% papuntang 50%
  • Tinaasan ang Linked Control Ratio mula 70% papuntang 100%

Special Partner Skill

  • Tinaasan ang cooldown mula 20s papuntang 45s
  • Tinaasan ang Base Shield mula 220-500 patungong 520-800

Pupuwersahin ng reworked ultimate ni Carmilla na maghiwa-hiwalay ang kalaban

Credit: Moonton

Bago ang patch, limitado sa tatlong kalaban lamang ang maaapektuhan ng ultimate ni Carmilla. Bukod dito, madali itong maiwasan dahil wala itong crowd control effects. Ngayon, mas malaki ang madadalang impact ng ultimate dahil nasagot nabago na ito sa rework.

Maaari na ding maibato ni Carmilla ang Curse of Blood kung saan mang direksyon niya nais dahil hindi na ito single-target spell. Ibig sabihin, lahat ng kalaban sa area of effect skill niya ay maaapektuhan ng immobilization at slow effects.

Imbis na tatalong enemy heroes, maari ng maapektuhan ang lahat ng heroes na nasa loob ng area. Lahat ng damage at crowd control effects sa isang target ay mararamdaman din ng apat na nakatali sa karakter.

Malaki ang magiging epekto nito sa team fights partikular na sa late game kung saan nakuha na ng teams ang kanilang core items.

Kaya naman, pinapalagay ding mainam na panlaban ang hero sa team compositions na mahilig magdikit-dikit tulad na lamang ng Blacklist International na may pinagugulong ang kanilang UBE strat.

Credit: ONE Esports

Ang tank junglers tulad ng Balmond at Fredrinn (na ginagamit din ng Blacklist) ay mahihirapan makawala mula sa AOE skill dahil kapos sila sa mobility para makaiwas dito.

Makikita ang tunay na lakas ng Carmilla kung maisasalang ito kontra sa UBE sa M4 World Championship.

Sundan ang pinakahuli sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kakaiba ang skills ni Joy, ang pinakabagong assassin sa Mobile Legends