Sinelyo ng Burn x Team Flash ang kauna-unahang slot sa M4 World Championship matapos talunin ang Logic Esports sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Cambodia Autumn Split 2022 (MPL KH Autumn Split 2022), na iniraos sa Aeon Mall sa Sen Sok, Phnom Penh.
Binubuo ang koponan ng Filipino coach na si John Michael “Zico” Dizon, at dating Nexplay EVOS players na sina Jhonwin “Hesa” Vergara at Michael “MPDKing” Endino.
Ito rin ang hudyat ng ng paglago ng performance ng koponan mula noong Spring season, kung saan nagtapos lang sila sa ika-apat na puwesto.
Burn x Team Flash ang kinatawan ng Cambodia para sa M4
Sa playoffs ng MPL KH Autumn Split 2022, pinatumba ng koponan ang Team Max sa quarterfinal bago sumelyo ng upset kontra Season 1 champion na SeeYouSoon sa semifinal.
‘Di naman nagpahuli ang kapwa nila grand finalist na Logic Esports. Tinalo nila ang Impunity KH sa semfinal match para makatapak sa grand final sa kauna-unahang pagkakataon.
Nang magharap ang dalawang koponan sa grand final, mabilis na kinuha ng Burn x Team Flash ang unang dalawang mapa ng serye sa tulong ng Valentina ni Ty “D7” Oudom at Claude ni Hesa. Nagtulong ang dalawa para magtala ng anim na kills at 12 assists nang hindi namamatay.
Sinakyan ng koponan ang momentum pag pasok sa game two. Dalawang Lord ang nakuha ng Burn x Team Flash para tuluyang masadlak mula sa pagkakatambak ang Logic Esports.
Nakabawi naman ang Logic Esports sa ikatlong mapa. Sulit ang hyperaggressive draft na binubuo ng Irithel ni Tep “BranTzy” Sokthai, Akai ni Lim “HOUV” Kimhouv, at Valentina ni BEST.
Matapos makuha ang Lord bandang 11-minuto ng bakbakan, pinako na ng Logic Esports ang kanilang panalo. Hindi nakaporma ang Wanwan ni Hesa matapos puntiryahin noong early game, dahilan para matapos niya ang laro nang may tatlong assists at tatlong deaths.
Dikdikan naman ang laban sa ika-apat, at kalauna’y huling mapa ng serye. Salitan ang dalawang koponan sa pagselyo ng objectives, pero nagbago ang lahat pagdako ng ika-15 minuto ng bakbakan.
Nahuli ang Franco ni D7 sa midlane, pero lingid sa kaalaman ng Logic na naroon pala ang lahat ng miyembro ng kanilang kalaban. Naka-wipeout ang Burn x Team Flash dahilan para makapag-death push sila sa midlane at maselyo ang MPL KH trophy.
Bukod sa pagiging kinatawan ng Cambodia para sa M4 World Championship sa susunod na taon, nag-uwi rin ang mga kampeon ng pinakamalaking bahagi ng US$40,000 na prize pool.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Ang pangako ni Tazz matapos hindi makapasok ang EVOS Legends sa MPL ID S10 playoffs