Isa ang Bren Euphoria Esports sa 10 koponan na magtatagisan para sa tropeo sa kauna-unahang season ng Mobile Legends: Bang Bang Development League Philippines (MDL PH).

Nakipag-alyansa ang MPL PH team na Bren Esports sa premyadong amateur squad na Euphoria Esports upang magsilbing kinatawan nila sa MDL PH Season 1.

Kilala ang Euphoria bilang isa sa pinakamahusay na koponan sa amateur scene sa kasalukuyan. Ibinandera nila ang Pilipinas sa Top Clans 2022 Winter Invitational kasama ang GameLab, na kasali rin sa bagong liga.

Credit: Euphoria Esports

Pinangibabawan nila ang Sneaky Events Tournament at nagtapos na runner-up sa likod ng GameLab sa TNC Cup at Dark League Studios: Kings League noong nakaraang taon.

Sumabak din ang Euphoria sa SIBOL Mobile Legends: Bang Bang National Team Selection para sa 2023 Southeast Asian Games kung saan nakabanggaan nila ang MPL squad na ONIC PH.


Kumpletong roster ng Bren Euphoria Esports sa MDL PH Season 1

Linuep ng Bren Euphoria Esports para sa MDL PH Season 1
Credit: MDL Philippines
  • Joshua “Ryujin God” Ramos (Mid laner)
  • Vincent “Venogo” Orogo (Jungler)
  • Christian “Heads” Morada (EXP laner)
  • Jan Carl “Shizou” Valdez (Gold laner)
  • Czedrick “Yoshinu” Romero (Roamer)
  • John Paul “Fall” Ansaldo (6th man)
  • Renaldo “Rivayne” Labjata (Coach)

Makakasagupa ng Bren Euphoria Esports ang ZOL Esports na pinagbibidahan ng mga beteranong manlalaro na sina Carlito “Dii Ribo” Ribo at Joshwell Christian “Iy4knu” Manaog.

Credit: ZOL Esports

Nakatakda ang kanilang laban sa ikatlong serye sa unang araw ng liga, sa ganap na ika-4 ng hapon ng Miyerkules, ika-15 ng Pebrero.

Panoorin ang mga laro sa opisyal na YouTube channel at Facebook page ng MDL Philippines.

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.