Patuloy na ipinapamalas ng BREN Esports ang bangis ng bago nilang porma sa gumugulong na MPL Philippines Season 10. Ito ay matapos nilang kumpletuhin ang upset kontra top-seeded ONIC Phiippines, 2-1, para buksan ang second half ng regular season nang nasa winning column.
Bagamat nagapi sa unang mapa ay hindi sumuko ang “The Hive” na pumihit ng dalawang magkasunod na panalo sa likod ng brilyanteng plays nina Michael “KyleTzy” Sayson at Marco “SUPER MARCO” Requitano.
KyleTzy at SUPER MARCO susi sa reverse sweep ng BREN laban sa ONIC PH
Malubak ang tinahak ng BREN Esports bago makamit ang importanteng panalo kontra ONIC PH. Ito ay dahil bago kuhanin ang upset series win ay kumbinsido ang yellow hedgehog team na patunayan kung bakit isa sila sa pinakamabangis na teams ngayong season 10.
Pinangunahan ng rookie sensation na si Frince “Super Frince” Ramirez ang atake ng ONIC hawak ang kaniyang Valentina na kumana ng matinding 10/1/11 KDA para iligpit ang black and yellow team sa loob lamang ng 15 minuto.
Kung gaano kabilis natapos ang game one ay gayundin ang naganap sa ikalawang paghaharap ng dalawang koponan. Sa pagkakataong ito, pabor naman ang resulta sa hanay ng BREN na sumandal sa kanilang magnipikong kontrol sa team fights at objective-takes para rumesponde ng dominanteng game two panalo.
Malaki ang ginampanan ni KyleTzy sa Paquito sa 13-minute beatdown. Nagtala ang jungler ng disenteng 2/0/3 KDA at 100% kill participation para hirangin bilang MVP ng laro.
Dinala ng mga miyembro ng dekoradong esports org ang momentum na ito pagdako ng closer. Susi ang in and out plays ni KyleTzy sa kaniyang Lancelot, habang perpektong laro gamit ang Claude ang ipinamalas ni SUPER MARCO para patirin ang ONIC.
Pumako ang jungler at gold laner ng magkasamang 5/0/7 total KDA sa game three.
Katuwang ng 3-game winning streak, makukuha din ng BREN Esports ang kritikal na kalamangan para mapagtibay ang kanilang posisyon sa papalapit na MPL PH playoffs na huli nilang naselyo noon pang Season 7.
Kasulukuyang may 12 points ang koponan sa 6th place at malayos a 7th at 8th placers na Nexplay EVOS at TNC Pro Team ML na may magkasunod na 6 points at 4 points.
Samantala, bumagsak naman sa 3rd place sa standings ang ONIC na ngayon ay may 5-3 na record.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa updates tungkol sa MPL PH!
BASAHIN: V33Wise nagningning para sa Blacklist, winalis ang NXPE 2-0