Nakumpirma ng Bigetron Alpha na ang kanilang star na jungler at captain na si Jabran “Branz” Bagus Wiloko ay hindi maglalaro sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asian Cup 2021 (MSC).

Hindi makakasali si Branz sa isa sa pinakamalalaking torneo ngayong taon dahil malubhang community violation na nagawa niya sa kaniyang livestream nuong nakaraang Huwebes.

Official Statement ng Bigetron Alpha

Naglathala ang Bigetron Alpha ng kanilang official statement sa kanilang Instagram page, kung saan ipinaliwanag nila ang kalubhaan ng violation.

“We, the management of Bigetron Esports, apologize for the commotion that occurred. We hereby declare that Branz will receive a strong warning from us, and as a sanction, he and related parties have been suspended for a month,”

Paano ito makaka-apekto sa Bigetron Alpha para sa MSC 2021?

Si Branz ang isa sa nangunguna sa pamamayagpag ng Bigetron Alpha sa playoffs nila noong Mobile Legends: Bang Bang ID Season 7.

Kahit sila’y natalo sa EVOS Legends sa grand finals, pinatunayan ni Branz sa lahat na siya ay isa sa mga pinakamalalakas na junglers sa region. Siya ay pangatlo sa total kills sa MPL ID season matapos makakuha ng 157 total kills.

Sa pagkawala ni Branz, si Maxx o kaya si Renbo ang pupuwedeng humalili sa kaniya bilang jungler ng Bigetron Alpha sa MSC 2021. May tyansa din na si DreamS ay bumalik sa roster para makumpleto ang six-man lineup.

Response ni Branz sa Bigetron Alpha

Sa isang Planet Esports interview sa RevivalTV, natalakay ng owner ng Bigetron Alpha na si Starlest ang issue. Nabanggit niya na humingi na ng patawad si Branz sa kaniya at sa management ng Bigetron Alpha.

“My friends, I apologize for the uproar that happened. All of that is purely my negligence. I will accept the action or the consequences. Once again I apologize for this carelessness,” sulat ni Branz kay Starlest.

Matapos ang apology ni Branz, nilinaw ni Starlest na walang kasiguraduhan ang madaliang pagbalik ni Branz sa kaniyang squad matapos ang MSC 2021 suspension, sapagkat magkakaroon pa ng renegotiations sa kaniyang kontrata.