Maraming pumuna sa hindi pag-respect ban umano ng SIBOL MLBB sa Yu Zhong matapos ang panalo ng Indonesia sa International Esports Federation World Esports Championship 2022 (IESF WEC 2022).

Dalawang beses lumabas ang Black Dragon ni Rizqi “Saykots” Damank, na may 100% win rate sa torneo, at tinulungan ang Indonesians na iselyo ang kampeonato sa pamamagitan ng 3-0 sweep laban sa mga Pinoy sa gold medal match.

Ilang sandali pagkatapos ng grand finals, ipinaliwanag ni SIBOL MLBB at Blacklist International head coach Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza kung bakit hinayaan nila ang Indonesia na i-pick ang Yu Zhong sa naturang serye. Nagbigay din ng opinyon sina Tier One Entertainment CEO at co-founder Tryke Gutierrez maging si BURN X FLASH coach John Michael “Zico” Dizon.


Ang rason ni BON CHAN kung bakit hindi nila binan ang Yu Zhong ng ID sa IESF WEC gold medal match

BON CHAN
Credit: ONE Esports

Sa upper bracket run pa lang ng Indonesia ay malaki na ang ginampanan ng Yu Zhong. Pinatumba nila ang Pilipinas sa unang round sa iskor na 2-0 at ginamit ulit ang fighter hero nang tig-isang beses sa kanilang 2-0 sweep kontra Argentina at 2-1 panalo laban sa Cambodia upang makuha ang 1-0 lead patungong grand finals.

Sa dalawang laro sa finals, naging priority ban nila Coach BON CHAN ang Fanny, Kaja, Atlas, Joy at Wanwan, dahilan para makalusot sa una at ikalawang picking phase ang Yu Zhong ni Saykots.

Sa comment section ng kanyang Facebook post pagkatapos ng serye, nagbigay ng sagot si BON CHAN kung bakit hindi nila tinanggal ang Black Dragon.

“Common question: Why not ban Yu Zhong? Ito para ‘di na paulit-ulit (ang) tanong. Mas pipiliin na namin kalaban ang YZ compared sa mga binan namin. It’s our group decision dahil alam naming kaya,” paliwanag ng M3 at 3-time MPL Philippines champion coach.

“If itatanong niyo anong hero ang nagpahirap, watch the replay and you will know na may hero na mas malaki ang impact compared sa iniiyak niyong YZ. Time!”

Sinuportahan siya ni Tryke at pinabulaanan ang palagay ng iba na dahil daw sa pride kaya hindi bina-ban ni BON CHAN ang nasabing hero.

Credit: ONE Esports

“Talking about strats and all that are part of the enjoyment pero para sabihing hindi binan ni Coach Bon ‘yung hero dahil sa pride? Imposible ‘yun. Our coach has sacrificed more than pride for this team. Pride is nothing. ‘Di niya ‘yan pipiliin over making a decision that’s best for the team,” sabi ni Tryke sa Facebook.

Nagbigay din ng komento si MPL Cambodia champion coach Zico na sinusuportahan ang desisyon na ginawa ni BON CHAN at ng koponan.

Credit: Zico

“Every coach and team have their own strat, ‘di kami pare-pareho ng iniisip. Maybe mas kaya nila labanan ‘yung YZ kaysa dun sa mga ban nila na if they open mas lalong hihirap ‘yung game. Pero hindi lang naman dahil sa YZ ‘yun. The other team prepared very well,” ani ni Zico sa Twitter.

“It is a team effort so don’t invalidate them. We are just here to watch and support. Say whatever you want but we are still not entitled to judge or bash any of them,” dagdag pa niya.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.