Marami ang nagulat sa maagang pagkakalaglag ng koponan ni Coach Kristroffer Ed “BON CHAN” Ricaplaza na Blacklist International sa ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022).

Winalis sila ng tinaguriang dark horse ng turneo na Geek Fam ID na pinangungunahan ng Filipino roamer na si Allen “Baloyskie” Baloy nang makaharap nila ito sa quarterfinals ng naturang turneo. Upset na maituturing ang resulta lalo na’t kampeon ng MPL Philippines ang Blacklist International, habang kinapos namang makapasok sa playoffs ang Geek Fam ID sa playoffs ng MPL Indonesia.

Sa best-of-three na serye, bumida ang Pinoy jungler na si Jaymark “Janaaqt” Lazaro gamit ang Aamon at Gusion. Pinarisan nila ang mga hero na ‘to na may mataas na potensyal ng burst damage ng Tank heroes sa EXP lane para kay Luke “LUKE” Valentinus gaya ng Grock at Fredrinn.

May paalala si Coach BON CHAN sa nagsasabing hindi raw sineryoso ng Blacklist International ang MPLI 2022
Credit: ONE Esports

Samantala, sinandalan naman ng Blacklist International ang stratehiya nilang ginagamit sa kahabaan ng kanilang kampanya sa MPL PH. Bagamat sinubukan nilang ipagamit kay Edward Jay “EDWARD” Dapadap ang Terizla sa unang mapa, hindi ito naging sapat para masalba ang kanilang kampanya.

Dahil dito, may mga naniniwalang hindi sineryoso ng koponan ni Coach BON CHAN ang turneo. Para sa mga ito, nagbigay ng paalala ang dekoradong miyembro ng Codebreakers.



Coach BON CHAN pinabulaanan ang mga haka-hakang hindi sineryoso ng Blacklist International ang MPLI 2022

May paalala si Coach BON CHAN sa nagsasabing hindi raw sineryoso ng Blacklist International ang MPLI 2022
Credit: ONE Esports

Eksklusibong nakapanayam ng ONE Esports si Coach BON CHAN ukol sa naging kampanya nila sa MPLI 2022. Dito, idiniin niya kung gaano kaseryoso ang Blacklist International sa ano pang kompetisyon ang pasukin ng kanilang koponan.

“Lahat naman ng tournament na sinalihan namin, sineseryoso namin,” paliwanag niya. “Never kaming nagto-throw, kahit na gaano pa kaliit yung prize pool, or gaano pa kaliit yung tournament. Lahat—basta sinalihan namin, lahat ‘yan seseryosohin namin.”

Bukod sa pagsaludo sa ipinakita ng Geek Fam ID sa naturang serye, hindi rin naipagkaila ni Coach BON CHAN kung paano naging dahilan ang pagkapagod o fatigue sa kanilang kampanya. Bago kasi sumabak sa MPLI 2022, kakaselyo lamang noon ng Blacklist International sa ikatlo nilang MPL PH title.

May paalala si Coach BON CHAN sa nagsasabing hindi raw sineryoso ng Blacklist International ang MPLI 2022
Credit: Blacklist International

“… Dadaan talaga kami sa point na masasagad ka eh, masasagad ‘yung katawang lupa mo eh—and doon lang natin mapapatunayan na hindi talaga lahat makukuha niyo,” paliwanag niya. “… Nag-focus kami sa MPL, pagdating ng ibang tournament, medyo magde-decline dahil napapagod din ang katawang lupa.”

Bago depensahan ng Blacklist International ang kanilang titulo sa M4 World Championship, nakatakda rin nilang katawanin ang Pilipinas bilang SIBOL sa 14th World Esports Championship ng International Esports Federation (IESF), simula sa ika-26 ng Nobyembre.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 3 senyales na lilipat si Kelra sa ONIC Esports ng Indonesia