Ang kathang ito ay isang translation mula sa orihinal na akda.

Ang Blacklist International ay kasalukuyang sumasailalim sa matinding pressure: kahit pa sila ang defending champions ng M Series, hindi tulad ng inaasahan ng marami ang kanilang performance sa group stage. Hinimay ng ONE Esports Indonesia ang mga tama at pagkakamali sa koponan ni Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna.

Lahat ng mata ay naktutuok sa Blacklist International habang nagaganap ang M4. Itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na teams sa kasaysayan ng MLBB na nagtamo ng maraming mga tagumpay nitong nakaraang taon, ang koponan na ito ang pinakaaabangan ng lahat.

Ngunit ‘di yata’t dahan-dahan nauubos ang gasolina ng Blacklist International. Makikita ito sa mga resulta ng dalawang nagdaang tournaments bago ang M4.

Blacklist International bigo sa MPLI 2022 at IESF WEC 2022

Hindi gaanong binibigyang pansin ng maraming tao ang kinahantungan ng Blacklist noong MPLI 2022 at IESF WEC 2022. Hindi ito masyadong iniinda ng mga fans dahil ibang lebel ng mga tournaments na ito at hindi maihahambing sa M4.

Blacklist International SIBOL
Credit: Hadji

Kung tutuusin, nakakadismaya ang performance na ipinakita ng Blacklist sa dalawang tournaments na ito. Noong MPLI, isang beses lang sila naglaro at agad natalo sa Geek Fam ID.

Sa IESF naman, para sa isang koponan na nagsabing seseryosohin na nila ang tournament na ito, ay hindi pa rin naging maganda ang kanilang performance. Dahil dito ay sinasabi ng iba na hindi pa lubusang buo ang diskarte at meta ng Blacklist at possible pang makontra.

Sinamantala ng Indonesian MLBB team na EVOS Esports ang pagkakataong ito upang makontra ang UBE strat.

Blacklist International ikaika sa M4 group stage

Sa pagpasok sa M4, mataas ang ekspektasyon ng marami mula sa Blacklist. Layunin nilang gumawa ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng back-to-back M Series world titles. Ngunit mukhang hindi ito magiging madali kung pagbabasehan ang laro ng Blacklist.

Nanalo man sila sa unang dalawang matches laban sa Incendio Supremacy at Burn X Flash(na walang coach sa Group Stages), dalawang beses naman silang tinalo ng Falcon Esports.

Sa dalawang ulit na pagkatalo sa Falcon ay nakita ng marami ang kahinaan ng team. Sa tiebreaker ay nahirapan silang makakuha ng puntos mula sa Incendio, na kinailangan pang magkamali upang makuhanan nila ng pagkakataon para manalo. Ito ang naging patunay na hindi ganoon kalakas ang Blacklist sa kasalukuyan.

Sinabi ng caster na si Dan “Leo” Cubangay sa ONE Esports na naniniwala siyang magiging kampeon ng M4 ang Blacklist. Sa palagay niya’y nasa kanilang pinaka-mature na punto na ang koponan. Ngunit ang opinyon na ito ay lumabas bago makaranas ng pagkatalo ang team.

Leo
Credit: ONE Esports

“Blacklist is in very fit shape and probably the best so far this year. I think Blacklist will still go further. But I still like what ECHO does,” sabi niya.

“I feel like Blacklist has an 80 to 90 percent chance of winning. They are very strong mechanically, shotcalls, synergies, strategies, and coaches are amazing,” dagdag pa niya.

Diskarte ng Blacklist ngayong ang lahat ay nakatingin sa kanila

Ang pangunahing problema ng pinakamalakas na koponan na kinatatakutan ng marami ay pinag-aaralan ang kanilang diskarte. Ironic dahil parang hindi pa rin natuto ang Blacklist at nadidismaya pa rin sa meta.

“Parang yung mga teams sa M4 masyadong naka-focus sa Blacklist at hindi nila napapansin yung lakas namin. Kaya mas maganda yung nakuha naming resulta kumpara sa Blacklist sa group stage,” sabi ni Karl “KarlTzy” Nepomuceno sa ONE Esports.

Pag-asa ng Blacklist International

Kung pagbabasehan ang mga nangyari nitong mga nagdaang araw, masasabing ang Blacklist ay hindi masyadong nakakapag-adjust. Masyado silang naging komportable sa kanilang meta na nauuwi sa sarili nilang pagkatalo.

Buti na lamang at nasa group phase pa lamang nang matamo nila ang pagkatalo at nakapasok pa rin sila sa upper bracket ng playoffs. May dalawang araw silang pahinga upang pag-aralan at matuto sa mga nangyari upang makahanap ng bagong solusyon at tuparin ang kanilang pangarap na magtala ng kasaysayan.

Blacklist International OhMyV33nus
Credit: ONE Esports

Bilang mga players na may champion mentality, dapat alam nila yan. Tulad ng sabi ni Leo, bilang tumatayong makina ng team ay kinakailangan ng V33Wise na mag-improve, lalo na pagdating sa hero pool ng bawat role.

“I think Wise should be able to show an even crazier pick on the M4. We’ve seen in the MPL PH S10 playoffs he uses Guinevere, Valentina, and Fredrinn. The last name is even popular now,” sabi niya sa ONE Esports.

Blacklist International M4
Credit: ONE Esports

“Maybe now he should try something else. Because mechanically Wise is already solid. But it’s the hero pool and the synergy between players that makes it perfect.”

“For Venus, maybe if she could play more tank heroes not only Lolita, it would be better. Like Franco etc. this type of hero is usually used by Hadji more often. If OHMYV33NUS can also play that type of hero, not only Estes, Mathilda, to Lolita, it will be very remarkable,” sabi ng caster.

Ang punto dito, kelangang ayusin ng Blacklist ang kanilang limited na hero pool. Kung nahihirapan si Wise na gumamit ng assassin, pwede siyang gumamit ng ibang marksman tulad nina Granger o Natan. Para naman kay OhMyV33nus, hindi masamang gumamit ng ibang makakapal na roamers.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.