Sino ang mga bagong code breakers ng Blacklist international sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Season 11 (MPL PH Season 11)?
Pagkaraang matapos ang M4 World Championship nitong nagdaang January 2023, kung saan nakuha nila ang ikalawang pwesto, nag-post ang Blacklist International CEO na si Tryke Gutierrez sa Facebook na ilang mga players, kabilang ang mga nasa coaching staff, ay nagpasya na magpapahinga para sa parating na season.
Ilang oras pagkatapos ng anunsyo, inihayag ng Blacklist na tanging ang superstar duo na sina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie James “Wise” Del Rosario lang ang kumpirmado para sa Season 11.
Ang natitirang mga players ay hindi pa inaanunsyo. Gayunpaman, ipinahiwatig ng organisasyon kung ilang bagong players ang maglalaro para sa three-time MPL PH champions — at ito ay dahil nagtanong ang ONE Esports sa Twitter.
Blacklist International nagbagsak ng clue kung ilang players ang papasok sa squad sa darating na season
Nanatiling tahimik ang organisasyon, hanggang kamakailan nang tanungin namin si Tryke sa Twitter para sa mga clues tungkol sa bagong roster ng koponan.
“Roster Reveal pls, Boss T,” tweet namin.
Labis na ikinatuwa ng mga fabs ang kanyang sagot. “The word please is my weakness,” sagot niya. “Can we leak them the roster @BLACKLISTINTL?”
Pagkatapos ng ilang sagutan, ang opisyal na Blacklist Twitter page ay sumali na sa pag-uusap at ibinigay sa amin ang aming hinihiling.
“3 new, 3 old,” sagot ng organisasyon.
Kaya sa lumalabas, isang player mula sa Season 10 roster ng Blacklist ang babalik sa active roster. Maaaring alinman sa mga players na ito: Salic “Hadji” Imam, Kiel “OHEB” Soriano, o Edward “EDWARD” Dapadap.
Hindi na bago para sa mga players sa Blacklist ang magpapahinga sa isang season. Matapos makuha ang korona sa M3 World Championship, nagpahinga sina OhMyV33nus at Wise noong Season 9.
Ito ang nagtulak sa koponan na ilagay ang beteranong si Dexter “Dex Star” Alaba sa roamer position, at kunin ang rookie na si Kent Xavier “KEVIER” Lopez upang pansamantalang palitan si Wise sa jungle position.
Naramdaman ang pagkawala ng dynamic na duo, dahil nabigo ang koponan na makakuha ng playoff slot matapos ang regular season.
Bumalik ang duo sa sumunod na season at binaliktad ang mga bagay para sa squad. Sa muli nilang pagsasama-sama, nanalo sila ng ikatlong korona ng MPL PH at nakakuha ng slot para sa M4 World Championship.
Ayon kay Tryke, ang Blacklist International ay mag-aanunsyo ng MPL lineup nito sa February 11, at ang development league lineup nito naman ay sa February 9.
Magsisimula ang MPL PH Season 11 sa February 17. Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.