Kasalukuyang nagsisilbi bilang kinatawan ng Pilipinas sa ilalim ng SIBOL ang mga miyembro ng Blacklist International para sa International Esports Federation World Esports Championship 2022 (IESF WEC 2022) bago sila sumabak sa paparating na M4 World Championship.
Bilang may tangan ng titulo, tiyak na nakatuon ang pansin ng mga pinakamalalakas na Mobile Legends: Bang Bang teams sa buong mundo sa mga kampeong Pinoy.
Kaya naman ngayong nakikipagbakbakan pa ang SIBOL para sa gintong medalya, pala-isipan kung paano nila isisingit ang paghahanda para sa pinakamalaking MLBB tournament ng competitive season.
- IESF WEC 2022 MLBB: Schedule, resulta, mga kalahok, at saan mapapanood
- Kumpletong roster ng mga kasaling koponan sa M4 World Championship
OHEB at ESON sa paghahanda ng Blacklist International para sa M4 World Championship
Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports, ibinahagi nina Kiel “OHEB” Soriano at Mark Jayson “ESON” Gerardo na parte na ng kanilang pagsasanay para sa M4 ang gumugulong na IESF WEC 2022. Kinumpirma na rin nila na hindi sila sa Pilipinas magdidiwang ng Pasko at Bagong Taon dahil sa kanilang mahigpit na schedule.
“Parang ito na ‘yung grind namin paparating ng M4… Ito na ‘yung magdadala ng momentum sa amin papuntang M4,” aniya.
Bagamat magsisimula pa lang ang mas pinaigting nilang paghahanda para sa papalapit na turneo, inamin din ni The Filipino Sniper na kailangan pa rin nilang itodo ang kanilang performance sa WEC 2022.
“Kailangan kasi training eh. Mabibitin ‘yung oras namin mag-prepare, mag-practice. Kailangan talaga,” paliwanag ni OHEB.
Dahilan din daw ang ginagawang paghahanda ng ibang koponan gaya ng RRQ Akira ng Brazil at The Valley ng North America na maagang lumipad papuntang Indonesia, ang bansa kung saan gaganapin ang M4, para magsanay.
“‘Di tayo papakabog,” giit ni ESON.
Kaya naman nang kumustahin ang kanilang kumpiyansa iisa lang ang naging sagot nina OHEB at ESON:
“Confident!”
“… With a heart,” dagdag ng beteranong Blacklist member.
Nakatakdang iraos ang M4 World Championship simula ika-isa hanggang ika-15 ng Enero.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: OHEB at Hadji bida sa 2-0 kontra Malaysia, SIBOL MLBB siniguro ang tanso sa IESF WEC 2022