Wagi ang Bigetron Esports sa Kohai Championship MLBB matapos nilang talunin ang Malaysian representative na ELX Esports.
Ang tournament ay kinabilangan ng 16 teams mula sa Indonesia at Malaysia. Walo sa mga teams ay inimbitahan, samantalang ang iba ay nakapasok sa pamamagitan ng pag-qualify.
Ang tagumpay na ito ay naging mahalaga sa pagbabalik ng midlaner ng Bigetron na si Deven “Renbo” Markos.
Jungler Kaja inilipad ang Bigetron Esports
Naging mabilis ang huling pagtutuos sa pagitan ng Indonesian at Malaysian teams. Nagawa ng Bigetron Esports na tapusin ang match laban sa ELX Esports sa pandurog na score na 3-0.
Ang nakapukaw ng interes ng marami ay ang paglabas ng jungler Kaja sa kampo ng Red Robot. Mahusay ang ipinakita ni Kenneth “Kenn” Marcello upang ihatid ang titulo sa bigetron.
Hindi nagtagal ay nagawa ni Muhammad Arif Bin Abdul “RIPPO” Halim at ng kanyang team na tapusin ang paghihirap ng ELX Esports sa loob lamang ng 14 minuto. Isa sa mga naging daan sa tagumpay ng Bigetron ay ang 2 kills at 14 assists ni Kenn.
Si Renbo ang grand finals MVP
Bukod sa mahusay na performance ni Kenn, naging highlight din ng tournament na ito ang pagbabalik ni Renbo. Kilala ang player na ito dahil sa lawak ng kanyang hero pool, at pinatunayan niyang kaya niya pa ring makipagsabayan sa mataas na level ng kumpetisyon.
Dahil sa mahusay niyang ipinakita sa kabuuan ng tournament, hindi nakakapagtakang tanghalin siyang MVP sa grand finals.
Nangangahulugan ito na mas mabangis na Bigetron Alpha ang masasaksihan natin sa susunod na season ng MPL ID.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.