Nagawa ng Bigetron Beta ang hindi inaasahan matapos patumbahin ang paboritong EVOS Icon para makalawit ang kampeonato ng Mobile Legeds: Bang Bang Developmental League Indonesia Season 6 (MDL ID S6) nitong nakaarang linggo.

Sa mga sandali matapos makumpleto ang sweep kontra sa EVOS ay kapansin-pansin ang emosyonal na interaksyon ng magkakambal na sina Matt at Maxx, na bagamat magkaibang liga ang kinalalahukan ay parehong nasa ilalim ng bandera ng Bigetron.

Credit: ONE Esports

Agad na tinungo ng MPL pro na si Maxx ang kapatid para akapin ito, na nagbunsod ng isang espesyal na sandali para sa dalawa at sa buong organisasyon na nakalawit ang una nilang titulo sa opisyal na Mobile Legends liga.


Bigetron Beta Matt inaming na-miss ang kapatid, masaya sa pagiging kampeon

Credit: ONE Esports

Sa isang panayam kasama ang ONE Esports, inamin ni Matt na hindi niya napigilan ang kaniyang emosyon matapos tunguhin ng kapatid sa stage. Aniya, malaking bahagi daw nito ay dahil hindi na sila magkasama ni Maxx sa isang team tulad ng dati.

“Because I’m happy. Not sad, I don’t know why when I saw him, I’m immediately moved.  Maybe I miss him too because we are now playing for different teams and we haven’t seen each other for a long time,” ani ng Bigetron Beta gold laner.

“Especially because now I became a champion, and I was able to meet and hug him, so I’m happy and touched at the same time,” kuwento pa niya.

Credit: ONE Esports

Si Matt ang pinakahuling adisyon ng Bigetron Beta noong Week 4 ng MDL ID Season 6 matapos sumanib ng batikang gold laner na si Marky “Markyyyyy” Capacio sa lineup ng kanilang MPL team.

Makikita mula sa performance ng Beta na nagkaroon sila ng malaking adjustment period sa pagsali ng dating MPL pro sa roster. Sa katunayan, ika-pito lamang sila sa ranking matapos ang regular season ng nasabing liga.

Gayunpaman, ipinakita ni Matt at ng kaniyang koponan ang kanilang tunay na tikas sa playoffs, nang isa-isang pagtitibagin ang ONIC Prodigy, Aura Blaze, RRQ Sena, GPX Esports, bago tambangan ang EVOS Icon sa grand finals.

Credit: ONE Esports

Bagamat nagkaroon ng isyu sa kanilang galaw bilang isang team, inamin naman ng players ng Beta na masaya ang kanilang karanasan kasama ang former pro dahil sa mga bagong kaalaman na nagtulak sa kanila sa tugatog ng developmental liga.

Pagsasalin ito sa sulat ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Vyn at Kyy nanguna sa assists sa MPL ID Season 10, Baloyskie pasok sa top 5