Bigetron Beta ang kampeon ng MDL Indonesia Season 6 matapos pagulungin sa kangkungan ang EVOS Icon sa iskor na 3-0 sa grand finals.
Ito ang perpektong pagtatapos sa dominasyon na ipinamalas ni Matt at ng kaniyang Beta team sa kabuuan ng playoffs, bagamat delubyo ang inabot nila sa gumulong na regular season kung saan 7th lamang sila sa standings.
Malaki ang epekto ng paglipat ni Razeboy (mula s Bigetron ERA) papuntang Beta para punan ang posisyon ni Mozia bilang coach, kasabay na din ng pag-arangkada ng mga bagong talents tulad nina Just Garr, Audycs at VyrNoCure.
Kampanya ng Bigetron beta papunta sa MDL ID S6 tropeyo
Walang nag-akala na Bigetron Beta ang koponang hihirangin bilang kampeon sa MDL ID nang lumagi lamang sila sa 7th place sa regular season. Kaya naman maraming nagulantang sa isinalang na laro ng koponan sa playoffs na ginawa offline.
Ito ay karugtong ng mabilis nilang pagdispatya sa ONIC Prodigy na nilubog nila sa 2-0 iskor, bago puruhan ang Aura Blaze sa parehong sweep para umangat sa susunod na round.
Kahit pa ang RRQ Sena ni Psychoo ay hindi nakapalag sa agresibong tirada ng kalaunan ay mga kampeon. Taob ang RRQ sa husay ng mga bata ni Razeboy para maselyo ang inantabayanang tapatan kontra sa bigating GPX.
Sa sumunod na round, pinatunayan ng GPX kung bakit isa sila sa paboritong team na makakuha ng tropeyo ngayong season pagkatapos gapiin ang BTR sa game 1 para buksan ang serye. Gayunpaman, hindi pinayagan ni Matt na tuluyang maputol ang kanilang Cinderella Story nang hawakan nila ang kontrol sa ikalawang mapa, bago iligpit ang kalaban sa deciding game 3.
Dito na nakuha ng Bigetron Beta ang tiket papunta sa inaasam na bakbakan kontra sa matikas na EVOS Icon kung saan naglalaro ang dekoradong ex-MPL players na sina Branz, VaanStrong, Ferxiic at Dlar.
Ganito man ay hindi nagpakita ng anumang sinyales ng takot o kaba ang BTR na nagpakawala ng halimaw na games 1 at 2 para kuhanin ang momentum para sa kanilang panig. Sa puntong iyon ay hindi na lumingon pabalik ang robot team.
Hinugot ng Bigerton Beta ang kanilang mga alas sa game 3 para tuluyan ang Icon at maselyo ang kanilang unang titulo sa MLBB competitive scene sa Indonesia. Karugtong nito, naibulsa din nila ang Rp75 million (humigit-kumulang PhP 286,000) na premyo bilang mga kampeon.
Sundan ang pinakahuli sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: EVOS Clover inulan ng pambabatikos, Coach Zeys dinepensahan ang gold laner