Naka-angat na rin sa wakas ang Bigetron Alpha matapos ang ilang linggong pamamalagi sa ilalim ng standings sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10).
Sa tulong ng Filipino import nilang si Mark “Markyyyyy” Ectobañez, naitala ng koponan ang ikatlo nilang sunod na panalo noong ika-anim na linggo ng liga. Kaso nga lang, ito ay kontra sa koponang nilalaruan kapwa Pinoy at dati niyang kakampi na si Allen “Baloyskie” Baloy.
May apat pang natitirang laban ang Geek Fam ID, pero kahit mauwi sa 2-0 ang lahat ng ito, hindi pa rin sigurado kung makakapasok sila sa playoffs.
Bigetron Alpha kinuha ang ikatlong-sunod na panalo kontra Geek Fam ID
Matapos ang walisin ang Aura Fire noong parehong linggo, sinunod namang talunin nina Markyyyyy ang Geek Fam ID sa iskor na 2-1.
Unang naka-iskor ang koponan nina Baloyskie sa tulong ng split push. Binweltahan ito ng Bigetron Alpha pagpasok ng ikalawang mapa gamit ang Valentina, Grock, Aamon, Claude, at Uranus. Hindi nakalipad ang kalabang Wanwan, lalo na noong bumuo ng Winter Truncheon ang tatlo sa mga miyembro ng pulang robot.
Naitala ng Claude ni Markyyyyy ang game-high damage dealt na 63,532 para maitlak sa ikatlo at huling mapa ang serye.
Pagpasok sa naturang game, dumanak na ang dugo ng Geek Fam ID. Nagtala ng 24 kills ang Bigetron Alpha, kung saan ang walo ay mula sa Lylia ni Marcel “Morenoo” Juan Moreno Sinulingga, habang ang 11 naman ay galing sa Karina ni Maxwell “MAXXX” Alessandro.
Nasa ika-anim na puwesto ng standings ngayon sina Markyyyyy na may anim limang panalo at anim na talo.
Susubukang iselyo ng Bigetron Alpha ang kanilang playoff slot pagpasok sa ikapitong linggo ng regular season. Nakatakda nilang kaharapin ang Alter Ego at kasalukuyang top seed na ONIC Esports.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: ONIC PH binokya ang RSG PH, iseselyo ang unang playoff spot sa MPL PH S10