Sina Mark “Markyyyyy” Capacio at Bigetron Alpha ang kauna-unahang koponang nakadungis sa tala ng EVOS Legends sa ika-11 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID).

Sinimulan kasi ng tropa nina Rizqi “Saykots” Iskandar ang kanilang kampanya para sa bagong season ng liga nang may tatlong sunod-sunod na panalo kontra Rebellion Zion, Alter Ego, at Geek Slate.

Naka-amba na ang White Tigers para selyuhin ang ika-apat nilang tagumpay kontra sa Bigetron Alpha nang maipanalo nila ang unang mapa ng serye. Kaso nga lang, naglabas ng alas si Coach Ronaldo “Aldo” Lieberth para ma-reverse sweep ang serye.



Bigetron Alpha nagpalit ng lineup sa gitna ng serye para matalo ang EVOS Legends

Paano nga ba pinutol ng Bigetron Alpha ang three-match winning streak ng EVOS Legends sa MPL ID Season 11
Credit: ONE Esports

Binubuo nina Markyyyyy, Marcel “Moreno” Sinulingga, Dede “VyrNoCure” Firman, Hengky “Kyy” Kurniawan, at Garry “Just Garrr” Ketaren ang lineup ng Bigetron Alpha sa unang mapa ng serye.

Pero matapos silang talunin ng EVOS Legends sa loob ng halos 15 na minuto, pinalitan nina I “Xorizo” Dwipayana at Maxwell “MAXXX” Alessandro sina VyrNoCure at Just Garr pagpasok sa ikalawang mapa.

Paano nga ba pinutol ng Bigetron Alpha ang three-match winning streak ng EVOS Legends sa MPL ID Season 11
Credit: ONE Esports

Nakasilat ng tagumpay ang naturang lineup at sila na rin ang nagsara ng reverse sweep para maputol ang three-match winning streak ng EVOS Legends.

Sa isang panayam kay Coach Ronaldo “Aldo” Lieberth, ibinahagi niya ang naging dahilan nila sa pagpapalit ng lineup sa kalagitnaan ng serye.

“Bisa dibilang Xorizo agresifnya luar biasa terus Maxxx juga bisa lebih mengontrol jadi itu yang membuat kami mengganti line-up demi kebutuhan tim,” paliwanag ni Coach Aldo.

Paano nga ba pinutol ng Bigetron Alpha ang three-match winning streak ng EVOS Legends sa MPL ID Season 11
Credit: ONE Esports

(Maaaring sabihin na aggressive si Xorizo habang controlling naman si Maxxx. Kaya namin binago ang lineup ay para mapunan ang kailangan ng koponan.)

Sa ikatlong linggo ng regular season, nakatakda namang harapin nina Markyyyyy ang Rebellion Zion at mga dating kakampi sa Geek Slate na sina Allen “Baloyskie” Baloy at Jaymark “Janaaqt” Lazaro.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Bakit nilabas ni Wise ang Alice jungle sa MPL PH S11 Week 2? Ito ang dahilan