Hanggang ngayon ay laman pa rin ng talakayan ang pangontra kay Kaja, lalo pa’t natataglay ngayon ng bagong abilities ang Nazar King.
Kilala si Kaja bilang hero na may nakakainis na crowd control. Ang kanyang ultimate ay may kakayahang humila sa kalaban na tanging siya, si Franco, at si Barat slang ang meron.
Pagkatapos makatanggap ng buff kamakailan sa updated patch, mas naging nakakatakot si Kaja. Naging malaking problema para sa mga kalaban ang Ring of Order dahil sa bukod sa pinapahina nito ang damage na natatanggap ay may kasama din itong regen.
Napakakunat ni Kaja ngayon at maaaring gamitin sa iba’t ibang roles, lalo na bilang roamer at jungler. May option din itong kumuha ng full defense items.
Napakalakas niya sa team fight, hindi lang bilang isang initiator, kung hindi pati na rin isang harang sa front line.
Hero counter kay Kaja inilabas ni RRQ Vynnn
May ibinahagi ang isa sa mga pinakamahusay na roamers sa Indonesia na si Vynnn ng RRQ Hoshi tungkol kay Kaja. Sang-ayon siya na malakas talaga sa kasalukuyang meta ang hero, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi ito pwedeng kontrahin.
Inihayag ng RRQ Hoshi roamewr ang pinakamabisang pangontra kay Kaja na kayang mabarahan ang mga attributes nito.
“Kaja is very meta, guys, yes, back then but lost to Khufra. It’s hard for Kaja guys to meet Khufra. Kaja can’t play ambush, and this hero really can’t play against Khufra,” paliwanag ni Vynnn nang maiulat ng Revival TV ang YouTube content.
Paano gumagana si Khufra bilang Kaja counter?
Simple lang ang pagkontra ni Khufra sa Nazar King. Bilang isang initiator tank na may malakas na crowd control, magiging mas mabisa sa pag-control ng mapa si Khufra. Kaya niyang pigilan ang mga galaw ni Kaja at counter-in ang intiation nito gamit ang kanyang sariling crowd control.
Kung magtatapat ang dalawa, Malabo na manalo si Kaja. At dahil dito, kakailanganin ni Kaja na umasa sa mga pick off at umiwas na kumprontahin ang Khufra. Kung kaya’t hindi nakakagulat kung tatawagin si Khufra na best counter hero para sa Kaja.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.