Si Johnson, ang Mustang, ay isa sa mga pinaka-mobile na heroes sa Mobile Legends: Bang Bang.

Gamit ang kanyang Rapid Touchdown ultimate, maaari siyang magsakay ng teammate at mag-gank ng mga kalabang heroes sa buong mapa.

Nakaka-stun ang Deadly Pincers, habang ang Electromag Rays ay nagbibigay ng magic DPS at slow effect. Ang Electro-airbag, ang kanyang passive, ay nagbibigay sa kanya ng shield kapag mababa ang kanyang HP, kung kaya’t mas kaya niyang mag-absorb ng damage sa team fights.

Kapag nakita mo ang tank hero na ‘to sa kalabang team, mas mabuting pumili ka ng isa sa mga solid counters na ito.


Tatlong counters kay Johnson sa Mobile Legends

Diggie

Diggie best hero counter kay Johnson
Credit: Moonton

Huwag maliitin si Diggie.

Ang ultimate ng cute na ibon na ‘to, ang Time Journey, ay kayang agad na alisin ang lahat ng crowd controls maliban sa suppression, at magbigay ng shield sa team.

I-cast ang Time Journey sa sandaling bumangga si Johnson sa iyong team. Gamitin ang Reverse Time upang hilahin pabalik ang kanyang mga kasama kapag sinubukan nilang tumakas.

Tandaang bumili ng Fleeting Time at iba pang item na nakakabawas sa cooldown ng Time Journey, gaya ng Magic Shoes at Enchanted Talisman.


Martis

God of War Martis jungler Martis build
Credit: Moonton

Si Martis ay isa sa ilang heroes sa Land of Dawn na nagkakaroon ng control immunity kapag gumagamit ng isang partikular na skill. Ito ay nanggagaling sa kanyang pangalawang spell, ang Mortal Coil.

Gamitin ang Mortal Coil upang maiwasang ma-stun ng Rapid Touchdown ni Johnson at mapigilan siya kaagad. Hampasin siya ng Ashura Aura at mga basic attacks bago siya tapusin gamit ang Decimation.

Pagkatapos makuha ang iyong mga damage items, bumili ng mga defensive item tulad ng Dominance Ice at Radiant Armor, para hindi ka masyadong makatanggap ng damage sa unang pagbangga at sa kasunod na clash.


Atlas

MLBB Atlas Mobile Legends patch 1.7.08
Credit: Moonton

Pabor na pabor kay Atlas ang pagsalubong sa Rapid Touchdown nang direkta para sa isang madaling pag-setup ng kanyang ultimate na Fatal Links.

Mag-cast ng Perfect Match at makipagbanggaan kay Johnson. Hilahin siya at ang kanyang mga kasama gamit ang Fatal Links, pagkatapos ay gamitin ang Annihilate para i-activate ang Frigid Breath passive. Huwag kalimutang sumenyas sa iyong mga teammates kapag handa ka nang mag-initiate.

Bumili ng Fleeting Time para lubos na mabawasan ang cooldown ng Fatal Links. Bukod kay Atlas, maaari ring gamitin sina Belerick o Tigreal kung sakaling hindi available ang Ocean Gladiator.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.