Ibinahagi nina Gerald “Dlar” Trinchera at Maxhill “Antimage” Leonardo ang kanilang opinyon kung sino sa tingin nila ang best EXP laner sa Mobile Legends:” Bang Bang Professional League Season 10 (MPL ID S10). Tila nagkakasundo ang dalawa sa isang pangalan na nakakagulat na nakakuha ng titulong ito nang ganito kaaga.

Binanggit ito nina Dlar at Antimage sa kanilang ginawang mukbang content sa YouTube channel ni Antimage. Pareho nilang sinabi na ang pinakamahusay na EXP laner sa MPL ID S10 ay walang iba kundi si Rendy “Dyrennn” Syahputra ng Rebellion Zion.

Dyrennn R3ebellion Zion best EXP laner
Credit: Dyrennn

Dalawang pangalan ang binanggit ni Antimage, sina Rivaldi “R7” Fatah at Dyrennn. Mas sinang-ayunan ni Dlar ang pangalawang player na nabanggit ni Antimage, at may paliwanag siya dito.

“I think Dyrennn, throughout the regular season, yes. In my opinion, the regular season is not (his best time) R7 because he (seems) still adjusting to the new META or chemistry with his team,” sabi ni Dlar.

Dlar Antimage
Credit: Antimage

“He (Dyrennn) has a lot of pool heroes, the mechanics and macros are good as well, as well as in team fights. Last season he’s been playing too right? So I think he’s the most developed player,” sabi niya.

Bukod dito, inamin din ni Antimage na sa ilang beses na nag-restream siya ng mga laban ng Rebellion Zion sa MPL ID S10 ay madalas niyang pinupuri si Dyrennn. Sa katunayan madalas niyang sinasabihan ang kanyang mga viewers na panooring mabuti at gayahin ang laro ng EXP laner.



Dahilan kung bakit si Dyrennn ang best EXP laner

Dyrennn best EXP laner MPL ID S10
Credit: Dyrennn

Sa kahabaan ng MPL ID S10, nagawa ni Dyrennn na maging pinakamahusay na EXP laner at talaga namang kahanga-hanga ang kanyang laro. Mahusay siyang pumwesto sa mga team fights kung kaya’t nahihirapan ang backline ng kalaban.

Kung hero pool naman ang pag-uusapan, marami rin siyang kayang dalhin. Sa kabuuan, gumamit siya ng walong magkakaibang heroes sa MPL ID S10 sa EXP lane position.

Isa sa mga madalas niyang gamitin ay si Paquito, na nagamit niya nang 14 na beses. Paminsan-minsan ay pinapagamit niya rin ito sa teammate na si Moch “Fearless” Setiawan bilang jungler.

Sa kabuuan ng season, nagkaroon siya ng total KDA na 79/83/99. Patunay na bilang isang EXP laner, malaki ang naiambag niya sa kanyang team kung pagbabasehan ang bilang ng kanyang kills at assists bilang frontliner sa isang role kung saan kinakailangan kang maging independent.

Kung kaya’t hindi nakakagulat na tawagin siya nina Dlar at Antimage na isa sa mga pinakamahusay na EXP laners ng MPL ID S10, bagama’t ang titulong First Team EXP Laner ay napunta kay Muhammad “Butsss” Sanubari ng ONIC Esports.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.