Sa professional matches o rankes games man, dinodomina ni Wanwan ang Land of Dawn. Sa kabilan ng napakaraming nerfs sa kanyang mga skill, nananatili pa rin siya bilang isa sa pinakamalakas na marksman kapag nilaro nang tama.
Pwede ring ituring ang Agile Tiger na isa sa mga mas natatanging hero sa Mobile Legends: Bang Bang. Dumedepende siya sa pagtarget ng kahinaan ng kanyang mga kalaban upang mabitawan ang posibleng pinakamataas na damage.
Bagamat limitado ang iyong mga pagpipilian kapag nakaharap ang isang ekspertong Wanwan player, may mga hero pa rin na pwede mong kuhain para magkaroon ng tsansang manalo kontra sa kanya.
Ang mga pinakamabisang pangontra kay Wanwan
3. Granger
Una sa listahan ay isang marksman na kayang magpakawala ng malaking damage sa unang limang minuto ng laro. Napakahina ni Wanwan sa early game at isa sa mga paraan para ma-shut down siya ay ang pagiging agresibo laban sa kanya habang maaga pa.
Kung gusto mong mag-all-in bago pa mag-Level 4, si Granger ang swak para dito. Mataas ang kanyang damage output salamat sa passive niya na Caprice. Bonus points pa kung mapapatama po ang lahat ng kanyang bala mula sa Rhapsody (1st skill).
Kapag na-set mo na ang pace sa laning phase at nagawang pigilan ang pag-snowball ng Agile Tiger, madali mo na siyang mapapatay sa mid hanggang late game gamit lang ang ilang bala. Pwede ka ring pumili ng ilang early-game marksman na may mataas na damage tulad nila Bruno at Brody.
2. Franco
Sunod ay isang tank hero na alam nating lahat kung paano gamitin ngunit kakaunti lang ang epektibong nagagamit ito sa high-ranking games. Si Franco ang perpektong tangke para mag-set up ng team fights at ganks sa kabuuan ng isang laro.
Pero kaya siya perpektong pangontra kay Wanwan ay dahil sa kanyang ultimate na Bloody Hunt. Nasu-suppress kasi siya nito sa loob nang 1.8 segundo at hindi siya makakagamit ng Needles in Flowers (2nd skill) dahil hindi naman ito nakakatanggal ng suppress effect.
Isa si Wanwan sa pinakamalambot na marksman kaya naman madalas na automatic kill na sa kanya kapag nagamitan siya ng ulti ni Franco at kasama nito ang isang core o marksman hero na kakampi.
1. Khufra
Panghuli sa listahan, ang isang classic counter kay Wanwan at iba pang mobile heroes ay wala nang iba kundi si Khufra. Kaya siya epektibo ay dahil sa kanyang crowd control abilities na kayang pigilan ang kulit ng Agile Tiger.
Napakabisa ng kanyang Bouncing Ball (2nd skill) dahil napapahinto nito ang pag-dash ni Wanwan at pwede rin nitong mabawasan ang damage kapag gumamit ito ng Crossbow of Tang (ultimate). Dagdag pa rito, pwede kang bumuo ng defensive items upang lalo pang mapahina ang kanyang damage.
Para sa iba pang Mobile Legends guides tulad nito, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Base ito sa akda ni Jules Elona ng ONE Esports.