Si Karina ang isa sa mga pinaka-flexible na assassin heroes sa Mobile Legends: Bang Bang. Sa kabila ng pagpili ng mga players ng fighter o tank heroes sa jungle position, pinag-aagawan pa rin ang Shadow Blade sa ranked at competitive play.

Ito ay dahil sa naibibigay niyang malakas na damage kahit pa may defensive items salamat sa kanyang passive, Shadow Combo, na nagbibigay ng true damage kada ikatlong attack sa parehong target.

Buti nalang at maaaring pumigil sa kanyang tuluyan na pamamayagpag sa game. Narito ang tatlong heroes na magagamit bilang counter sa kanya sa Mobile Legends: Bang Bang.


3 heroes na malakas laban kay Karina sa Mobile Legends

X.Borg

Karina counter X.Borg
Credit: Moonton

Labanan ang true damage ng true damage.

Tulad ni Karina, nakakapagbigay din si X.Borg ng true damage gamit ang kanyang first skill, ang Fire Missiles. Ang dahilan kung bakit siya malakas laban kay Karina ay hindi siya masyadong umaasa sa basic attacks dahil sa skill na ito, na maaaring kumontra sa Dance of Blades.

Habang si Karina ay malakas sa mga extended fights, halimaw din naman si X.Borg sa aspetong ito. Mas mahaba ang laban, mas lumalakas ang kanyang Fire Missiles. Kapag mababa na ang HP ng assassin, maaari nang mag-cast si X.Borg ng Last Insanity para masiguro ang kill.

Lylia

Karina counter Star Student Lylia
Credit: Moonton

Bagama’t karamihan ng mga mage heroes siguradong papanaw laban sa fully built Karina, ibahin niyo si Lylia. Ang isang mahusay na Lylia player ay kayang bitawan sa tamang tyempo ang kanyang Shadow Energy at Magic Shockwave combo upang magbato damage at pabagalin ang kalaban.

Kung sakaling makalapit ang Shadow Blade at makabawas nang malaki kay Lylia, pwede siyang mag-cast ng Black Shoes upang mag-regenerate ng HP at ma-reset ang kanyang Shadow Energy charges. Huwag kayong magpapadala sa pagiging cute niya, tigasin si Lylia sa Land of Dawn.

Eudora

Karina counter revamped Eudora
Credit: Moonton

Bilang isang hero na nangingibabaw sa mga extended team fights, hirap si Karina sa mga heroes na may burst damage, at isa sa mga pinakamalakas na burst damage heroes sa kasalukuyang meta ay walang iba kung hindi si Eudora.

Bagama’t karamihan ng mgaKarina players ngayon ay mas gusto ng tanky build, kailangan lang ni Eudora na bumuo ng Divine Glaive upang makapagbigay ng malakas na damage. Pag tumungtong si Eudora sa level four, sapat na ang isang combo para ma-burst down ang assassin.

Ang mga Eudora players na tumatapat kay Karina ay dapat gumaming ng Flameshot o Flicker battle spell, dahil wala siyang escape skills.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.