Si Joy, ang Flash of Miracle, ay ang pinakabagong assassin hero sa Mobile Legends: Bang Bang. Katulad ni Wanwan, siya ay maliksi at madaling mag-dash nang maraming beses sa battlefield.
May kakaibang catch sa kanyang skill set. Upang makapagbigay siya ng maximum damage at ma-activate ang kanyang ultimate, ang mga players ay dapat mag-groove sa beat sa bawat dash sa kanyang pangalawang skill na Meow, Rhythm of Joy! Saktong sakto sa iyo ang hero na ‘to kung mahilig ka sa mga rhythm games.
Gayunpaman, kung magkaroon ng pagkakataon na makalaban mo siya, magiging masakit siyang katapat at napakahirap na i-pin down sa mga huling bahagi ng game. Ang pag-lock sa mga bayani na may mga crowd control skills ay hindi sapat, dahil ang kanyang mga dashes ay nagbibigay sa kanya ng immunity kung matamaan niya ang iyong hero gamit ito.
Kung gusto mong pigilan siya, kailangan mo siyang i-disable bago siya sumugod, o pumili ng mga heroes na maaaring gumamit ng kanyang mga dashes sa kanilang kalamangan. Narito ang tatlong heroes na kayang gawin iyon.
3 mabisang counters laban kay Joy sa Mobile Legends
Minsitthar
Si Minsitthar ang tanging hero sa Land of Dawn na makakapigil sa mga kalaban na mag-cast ng anumang mga mobility skills. Ang kanyang ultimate, King’s Calling, ay lumilikha ng isang malaking lugar sa paligid niya kung saan hindi gumagana ang anumang directional blink skill. Nangangahulugan ito na hindi magagamit ni Joy ang kanyang pinakamahalagang skill kapag na-activate na ang kanyang ultimate.
Kung susubukan niyang lumabas sa King’s Calling, maaaring ihagis ni Minsitthar ang Spear of Glory para hilahin siya pabalik sa gitna ng arena. Halos siguradong patay ang Joy kung mayroon kang mga teammates na malapit upang magbigay ng dagdag na damage.
Para naman sa mga battle spell, kailangan ang Flicker, dahil makakatulong ito sa iyo na makalapit sa mga team fights kung sakiling piliin niyang mag-play safe.
Phoveus
Ang kahinaan ng bawat hero na may mobility skills, si Phoveus ay isang malakas na laner laban sa mga mobile na heroes. Sa tuwing ang isang hero ay sumusugod o magbi-blink malapit sa kanya, maaari siyang agad na mag-blink sa kanilang lokasyon kasama ang Demonic Force upang magbigay damage.
Ang skill ay maaaring i-cast nang paulit-ulit hangga’t may magda-dash malapit sa kanya. Dahil kailangang mag-dash si Joy ng apat na beses para ma-deal ang maximum damage, hindi magkakaroon ng problema si Phoveus sa paglapit at pagpitas sa kanya sa mga team fight.
Bumili ng Ice Queen Wand at Glowing Wand para kay Phoveus kung gusto mong i-burst si Joy sa sandaling gamitin niya ang kanyang second skill. Kung makalamang siya, bumuo ng Radiant Armor para pawalang-bisa ang ilan sa kanyang damage.
Esmeralda
Sa kabila ng kawalan ng kahit anong skills na maaaring pumigilan kay Joy mula sa pag-dash sa mga team fights, si Esmeralda ay maaaring literal na pumirmi sa isang lugar at manalo pa rin laban sa Flash of Miracle.
Maa-absorb ni Esmeralda ang mga shield ng kalaban at mapawalang-bisa ang mga shield ng kaaway sa tuwing makakatanggap siya ng damage. Mayroon din siyang movement speed boost kung kaya’t isa siya sa mga strong picks laban sa mga maliliksing heroes gaya ni Joy.
Kapag nakabili ka na ng Tough Boots at Enchanted Talisman, gamitin ang Frostmoon Shield at Stardust Dance nang madalas sa laning phase para i-zone out siya. Mahalaga rin na piliin ang Sprint bilang iyong battle spell dahil si Esmeralda ay walang anumang blink skills para habulin si Joy.
Para sa iba pang guides at balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.