May dagdag motivation na ngayon ang RRQ Hoshi pagpasok sa ika-apat na linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10).

Matapos kasi silang walisin ng EVOS Legends sa panibagong kabanata ng kanilang El Clasico match, lalong nawala ang kapit ng mga hari sa tugatog ng standings matapos naman silang paluhurin ng Rebellion Zion sa tulong ng Beatrix ni Dhannya “Haiz” Hoputra.

Haizz ng Rebellion Zion binalagbag ang RRQ Hoshi gamit ang Beatrix

Walang nag-akala na kakayanin ng Rebellion na talunin ang defending champions ng MPL ID pero tagumpay nila itong nagawa.

Marami pa ngang umasang magsisilbi itong hakbangan ng RRQ Hoshi para muling makamit ang topseed, pero nagsilbing matikas na balakid ang tropa ni Haizz para hindi nila ito matupad.

Kahit pa katapat ang isa sa pinakamahuhusay na gold laner sa liga, nagawang ipamalas ni Haizz ang isa sa pinakamagandang Beatrix performance sa eksena.

Hindi niya pinabwelo ang Claude ni Schevenko “Skylar” Tendean noong unang mapa pa lang ng serye. Dahil dito, kinilala siyang MVP matapos makapagtala ng siyam na kills at tatlong assists nang hindi namamatay.

Beatrix ni Haizz bumida sa panalo ng Rebellion Zion kontra RRQ Hoshi sa MPL ID S10
Credit: MPL ID

Pareho ang naging takbo ng kwento pagpasok sa game two. Umabot pa nga sa mahigit 5000 ang lamang ng Beatrix ni Haizz sa Karrie ni Skylar.

Kaya naman nang damang-dama na niya ang kanilang kalamangan, ‘di mapigilan ni Haizz na TP-han ang apat na miyembro ng RRQ Hoshi matapos nilang tangkaing makipaglaban pagkakuha ng Rebellion Zion sa Lord.



Bago ang ika-apat na linggo ng regular season, mananatiling top seed ang EVOS Legends, na sinusundan naman ng RRQ Hoshi. Umangat naman sa ika-anim na puwesto ang Rebellion Zion na may dalawang panalo at apat na talo.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Ang mga pinakamasasarap na putahe ni Chef Rapidoot ayon sa ONIC PH members