Opisyal nang gumulong ang Mobile Legends: Bang Bang patch 1.7.20. Bukod sa Lesley at Gusion rework, halos 20 heroes ang binigyan ng Moonton ng pagbabago sa update at kung susuriin ang hero na binigyan ng pinakamaraming pagbabago, hindi maitatanggi na Beatrix ang makikita ng mga miron.
Kasalukuyang pangalawa ang Dawnbreak Soldier sa most picked marksman sa Legends+ ayon sa MLBB stats, at kung titignan ang mga numero sa MPL PH ay ika-apat naman ito sa mga paboritong isinasalang, katuwang ng disenteng 53.45% win rate.
Bagamat marami na ang adjustments na ginawa sa kaniya sa mga nakaraang patches ay dominante pa rin daw ang marksman sa gold lane ani ng developers ng MOBA.
“We want to make her difficult-to-maneuver skills easier to aim and increase the power of her less popular weapons,” sulat nila.
Mga pagbabago sa Beatrix sa patch 1.7.20
All weapons
- Bahagyang pinahaba ang reloading time ng mga baril ni Beatrix
- Bababa ang reloading time sa pagtaas ng attack speed
Renner (Sniper Rifle)
- Pinababa ang damage mula 350-525% physical attack patungong 365%-400% physical attack
- Pinataas ang hitbox na ngayon ay 1.5 times na
- Maaari ng mag-swipe para makuha angh skill indicator habang nag-rereload (pula ang indicator kapag angrereload)
Wesker (Shotgun)
- Tinaasan ang damage mula 125-195% Physical Attack papuntang 150%-220% Physical Attack
- Pinaliit ang hitbox width na ngayon ay 75% na lamang ng naunang sukat nito
- Bawat successive hit ay may kargang 25% initial damage. Ang total damage na kaya niyang pakawalan ay bababan, at kailangang mas malapit siya para makatama ng multiple heroes.
Bennett (Grenade Gun)
- Pinababa ang damage mula 180-320% Physical Attack patungong 230-300% Physical Attack
- Pinataas ang slow effect na ngayon ay 40% n amula sa 30% dati
Nibiru (Submachine Gun)
Binabaan ang damage mula 50-67.5% Physical Attack patungong 52.5-70% Phsical Attack.
Ultimates ni Beatrix
Renner’s Apathy
- Pinaigsi ang aim time mula 20s na ngayon ay 8s na lang.
- Pinahina ang Lifesteal mula 50% papuntang 25%
- 50% Cooldown ang mababawas kung mag-cacancel ng skillcast.
Wesker’s Elation
- Pinataas ang damage mula 295-445 + 110% Physical Attack papuntang 350-550 + 130% Physical Attack
- Pinaliit ang hitbox width na ngayon ay 75% ng dating sukat
- Binabaan ang successive hits damage mula 75%, 50% at 25% initial damage (25% sa mga susunod pang hits) na ngayon ay 25% initial damage (Ang total damage na kaya niyang gawin sa close distances ay mas pinababa din, kung kaya’t kailangan na malapit siya sa mga kalaban para sa multiple hits)
- Pinahina ang Lifesteal gain mula 50% patungong 25%.
Bennett’s Rage
- Tinaasan ang slow effect mula 30% papuntang 40%.
Nibiru’s Passion
- Tinaasan ang damage mula 6 times papuntang 10 times
- Binawasan ang damage per hit mula 200-320 + 60% Physical Attack patungong 130-210 + 40% Physical Attack
- Pinahina din ang damage per hit na ngayon ay 35% na lamang; pinataas naman ang total damage ng 10%
Maganda pa rin bang gamitin si Beatrix matapos ang patch 1.7.20
Kung susuriing maigi ang laro sa MPL, mapapansin na karamihan sa pro player ngayon ay gumagamit ng Wesker o ng Renner kapag hawak ang Beatrix. Ito ay dahil kaya ng Wesker na mag-burst down ng kahit sinong hero sa close range gamit ang Basic Attack, Wesker’s Elation at basic attack combo.
Kaya rin ng Renner na mag-one-shot ng mga kalaban sa long range. Hindi rin masyadong matagal ang aabangan para makapag-switch ng weapons dahil hindi lalampas ng sampung segundo ito.
Sa pinagulong na patch, pinaliit ng Moonton ang hitbox ng Wesker at follow-up damage per hit. Mas mabilis na din ang aiming ng ultimate na Wesker’s Elation, at pinahina ang lifesteal nito.
Malaking nerf din ang ipinataw sa Renner dahil mas mababa na ang base damage na mapapalabas gamit ang weapon na ito ni Beatrix. Mababa na din ang lifesteal at aim time ng Renner’s Apathy.
Gayunpaman, binigyan ng improvements ang Nibiru at Bennet. Ang machine gun ni Beartrix na si Nibiru ay kinargahan ngayon ng mas mataas na base damage. Tinaasan din ang bilang ng hits ng Nibiru’s Passion na ngayon ay may 10 hits na, ngunit mas mbaba ang damage per hit. Samantala, binigyan din ng magandang pagbabago ang Bennett na ngayon ay mas mataas na base damage at slow effect mula sa Bennet’s Rage.
Kung pagbabasihan ang mga pagbabagong ito sa Beatrix, mas mainam na ngayon ang attack speed build gamit ang Nibiru at Bennett naman kapag defensive ang gameplay. Maganda pa ring opsyon ang Wesker at Renner sa early game o di kaya kung lamang na lamang na sa laro.
Dahil sa versatility ng Beatrix ay siguradong viable pick pa rin siya sa pro play, lalo na sa MPL PH kung saan umaariba ang dalawa sa pinakamagagaling na gold laners sa mundo na sina Kiel “OHEB” Soriano ng Blacklist International at Duane “Kelra” Pillas ng Smart Omega na kilala sa paggamit ng hero.
Para sa mas maraming MLBB guides at updates, i-like at i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines.