Isa sa naghihiwalay sa mga average at high-level players sa Mobile Legends ang pagka-dalubhasa sa bawat aspeto ng laro. Sakop nito ang tinatawag na battle spells sa MLBB.
Nauna na naming inilathala ang lakas ng Execute, Retribution, Inspire at Sprint at kung sinong mga heroes ang maaaring paggamitan nito.
Sa pagkakataong ito, tatalakayin naman natin ang apat pa sa mga spells na kailangan ninyo malaman bago sumabak sa Land of Dawn. Kikilatisin din natin kung sino ang mga heroes na maaaring samantalahin ang skill effects ng mga ito, kasama na din ang ilang pro tips.
Ano ang Battle Spells sa MLBB?
Ang battle spells sa MLBB ay mga additional spells na maaaring mong gamitin sa laro para makatulong sa iyong hero makakuha ng kalamangan sa positioning, jungling, damage output at marami pang iba.
Ito ay iba sa mga hero skills at active effects ng mga items sa laro. Sa ngayon ay may labindalawang battle spells sa MLBB na mapagpipilian sa pregame lobby.
Tandaan na isa lamang na spell ang magagamit mo sa laro at hindi mo na ito mababago kapag nagsimula na ang match. Ito rin ang dahil kung bakit kritikal na alam mo kung anong battle spell ang pinaka-angkop para sa iyong hero.
Battle Spells sa MLBB at kung paano ito gumagana
Revitalize
Ang revitalize ay isang battle spell sa MLBB na tipikal na ginagamit para sa mga pagkakataong kailangan ng Area of Effect (AoE) HP regeneration.
Kapag naactivate ang spell at pumasok sa AoE ang mga hero ay mag-reregenarate ang HP ng 2.5% Max HP bawat 0.5 segundo hanggang 5 segundo. Bukod dito, may karagdagang 25% shield at HP regen pa ang mga kakampi na nasa area.
Pro Tip: Pangalawa ito sa may pinakamataas na cooldown sa mga battle spells sa MLBB. Tantiyahin kung kailan ito dapat i-activate (sa mga panahong may AoE burst damage ang kalaban o kapag nag-didive ng tore.
Ilang mga heroes na maaaring paggamitan ng Revitalize: Hylos, Estes, Rafaela, Minotaur
Aegis
Ang Aegis ay isa sa mg battle spells sa MLBB na nagbibigay ng agarang shield na nakakakapag-absorb ng 750(+50*Hero Level) damage sa loob ng 3 segundo. Habang may shield ang gumamit ng spell, nagkakaroon din ng 70% shield ang pinakamalapit na hero na may pinakamababang HP.
Pro Tip: Gamitin ito sa mga pagkakataong naunahan ng burst damager para manatiling buhay at makatakas. Tipikal itong ginagamit sa mga high damage output pero low HP heroes.
Ilang mga heroes na maaaring paggamitan ng Aegis: Claude, Clint, Bruno, Wanwan
Petrify
Ginagamit ang Petrify para ma-stun ang malapit na kalaban sa loob ng 0.8 segundo kaakibat ng 100(+15*Hero Level) Magic Damage. Isa ito sa mga battle spells sa MLBB na maaaring magbigay ng mabilisang kontrol sa kalabang hero kaya naman gamit na gamit ito sa high-level play.
Pro Tip: Siguraduhing nakapuwesto ng malapit sa kalabang unit bago i-activate ang spell para masegurong tatama ang stun. Maaaring sundan ng iba pang hero skill na pangkontrol para sa mas mataas na tiyansang makapitas.
Ilan sa mga heroes na maaaring gamitan ng Petrify: Yu Zhong, Akai, Ruby
Purify
Kung may mga battle spells sa MLBB na pangkontrol ng kalaban, ang Purify naman ay ang kabaliktaran nito. Kapag inactivate ang spell, tinatanggal nito ang lahat ng negative effects mula sa hero at sa loob ng 1.2 segundo ay may immunity sa kontrol ng kalaban at 15% movement speed pa.
Pro Tip: Kapaki-pakinabang ang Purify lalo na sa pag-debuff ng stuns at slows ng kalaban. Siguraduhing akma ang paggamit nito at gawing prayoridad ang pag-debuff sa mga matatagal at masasakit na control spells.
Ilan sa mga heroes na maaaring paggamitan ng Purify: Claude, Harith, Alice, Esmeralda, Natan, Brodie. Kimmy
Gusto mo pa ba makabasa ng mga MLBB Guides tulad nito? Sundan kami sa Facebook para manatiling updated!