May dahilan kung bakit isa si Allen “Baloyskie” Baloy sa mga tinitingalang esports athlete sa mundo ng Mobile Legends. Pagkaraan ng kaniyang makulay na karera sa MPL Philippines, sa Indonesian pro play kasulukuyang nagdodomina si Baloyskie kung saan kamakailan lamang, napasama siya sa First Team ng liga.

Bilang isa sa mga iilang esports pro na nakaranas na maglaro sa dalawang pinakamalakas na MPL regions sa mundo, ligtas sabihin na pamilya si Baloyskie sa lebel ng kumpetisyon na mayroon sa mga ito.

Sa isang bahagi ng EMPETALK show na inilabas kamakailan, pinaunlakan ng Geek Fam ID superstar si Jonathan Liandi ng tanungin nito kung sino ang top players niya sa bawat role, base sa kaniyang karanasan sa mga nalahukang liga.

Credit: Jonathan Liandi

Partikular na pinukaw ni Baloy ang atensyon ng host ng isiwalat niya ang sa tingin niya ay top pros sa jungle at gold lane roles.


Top players ni Baloyskie sa jungler at gold laner position

Inisa-isa ng Geek Fam ID captain kung sino ang top players niya sa bawat role base sa kaniyang karansan sa dalawang MPL regions, ngunit kapansin-pansin ang pagpili niya sa tatlong Pinoy bilang junglers, habang 2 Indonesians naman ang sa paningin niya ay pinamagilas.

Para sa kaniya, sina Kairi “Kairi” Rayosdelsol at Danerie “Wise” Del Rosario ang puwedeng maghalinhinan sa kaniyang top 1, habang si Karl “KarlTzy” Nepomuceno naman ang maaaring ihanay niya bilang pangatlo.

Credit: ONE Esports

Paliwanag niya, “Because I’ve been teammates with Kairi. Some people don’t know that Kairi is also smart. He’s not just a mechanic player. So, he’s also smart and his mechanics is good and his hero pool- like [sic] can play tank, can play assassin, and if the marksman become meta, he can play.”

May paglilinaw din ang dating ONIC PH captain sa kakayahan ng isa pang ex-teammate na si Wise.

Credit: MPL Philippines

“That’s the thing like, you just don’t know guys because you dont [sic] experience to be teammates with Wise. I did experience with Wise. I understand Venus gets credit for his shotcall but they do not know that Wise can also shotcall,” banggit ng pro.

Gayundin ang papuri ni Baloy sa M2 World Championship MVP na si KarlTzy, na ayon sa kaniya ay gumagawa din ng kritikal na shotcalls para sa kaniyang team.

Credit: ONE Esports

Samantala, ang mga nakatunggali naman niya sa MPL ID ang mga pinakamahuhusay sa gold lane.

Aniya, “I think CW is top 1. Because I can that he’s smart. You know like, his laning, the tournament effect, that he can give pressure to the team.”

Credit: ONIC Esports

“Sometimes you will think that he have teammate, but he don’t have teammate in there that’s why he’s so aggressive. And then sometimes you feel like this guy is just faking, and then his teammate is there,” pagpapatuloy pa ni Baloyskie tungkol sa ONIC Esports gold laner.

Credit: Moonton

Si Schevenko “Skylar” Tendean ng RRQ Hoshi naman ang ilalagay niya bilang top 2. “Because his positioning is good. His laning may not be the best but his positioning is teamfight is so good and his impact also.”

Hindi rin nakalimutan ni Baloyskie ang husay ng dating kasamahan sa ONIC Philippines na si Marky “Markyyyyy” Capacio. Kuwento niya, “Given his hero has bad matchup, he still can handle it. Because it’s a pressure to have a goldlaner that can handle his lane well.”

Credit: ONE Esports

Maaring idugtong ang top player list ni Baloyskie sa una niyang pahayag tungkol sa malaking pagkakaiba ng plays ng dalawang rehiyon. Ayon sa kaniya, nakasentro sa macro ang galaw ng PH teams habang kumikiling naman sa micro ang mga koponan sa ID.

Sa tingin niyo, may nakalimutan bang ilagay si Baloyskie sa listahan ng kaniyang top junglers at gold laners?

I-like at i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines para sa pinakahuli sa Mobile Legends.

BASAHIN: Baloyskie may pasaring sa mga nagdududa sa kakayahan ni BLCK Wise: ‘They don’t know that Wise can also shotcall’