Naitala nina Allen “Baloyskie” Baloy at buong Geek Fam ID ang pinakamalaking upset sa ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational (MPLI 2022).

Ang 7th-8th placer kasi ng MPL Indonesia Season 10 ang maagang tumuldok sa kampanya ng kampeon ng MPL Philippines Season 10 na Blacklist International matapos nilang walisin ito sa quarterfinal ng gumugulong na turneo.

Baloyskie at Caderaa bumida para ilaglag ng Geek Fam ID ang Blacklist International sa MPLI 2022

Baloyskie, 'di makapaniwalang winalis ng Geek Fam ID ang Blacklist International sa MPLI 2022
Credit: ONE Esports

Ginulat ng Geek Fam ID ang Blacklist International sa unang mapa ng serye. Dumanak ang dugo sa Land of Dawn matapos makapagtala ang parehong koponan ng kabuuang 31 kills sa loob lamang ng halos 14 na minuto.

Sa 21 na kinana ng pambato ng Indonesia, 14 ay nagmula sa Aamon ni Janaaqt. Bumida rin ang Pinoy roamer na si Allen “Baloyskie” Baloy gamit ang Ruby para makapagtala ng game-high 14 assists na sinamahan pa ng dalawang kills.

Baloyskie, 'di makapaniwalang winalis ng Geek Fam ID ang Blacklist International sa MPLI 2022
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Wala masyadong nagbago sa draft ng Codebreakers pagpasok sa ikalawang mapa ng serye, pero mas nakapalag sila kumpara noong nauna. Kaso nga lang, bigo na silang mapabagsak ang mga miyembro ng Geek Fam ID pagdako sa late game.

Kaya naman gayun na lang ang naging reaksyon ng dating kakampi nina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie James “Wise” Del Rosario nang maselsyo nila ang tagumpay kontra kampeon ng MPL Philippines.

Baloyskie, 'di makapaniwalang winalis ng Geek Fam ID ang Blacklist International sa MPLI 2022
Credit: ONE Esports

“I feel like I’m dreaming,” sagot ni Baloyskie nang tanungin ang kanyang pakiramdam sa panalo.

Hindi rin makapaniwala ang gold laner ng koponan na si Mohammad “Caderaa” Pambudi matapos niyang pangibabawan ang MVP ng M3 World Championship na si Kiel “OHEB” Soriano.

“I didn’t expect it,” sagot niya nang tanungin kung inasahan niya ba ang tagumpay kontra sa Pinoy gold laner. “Because he is the gold lane in champion M3, right? And I win against him.”

Sa kabila nito, itinanggi pa rin ni Baloyskie na na break na nila ang code ng Blacklist International.

“No, no, we just got lucky,” paliwanag niya. “We just played our instinct and tried to destroy their base, because if we wait for their setup we will be having a hard time.”


Samantala, aabante naman sa semi-finals ang Geek Fam ID. Haharapin nila ang koponang magtatagumpay sa bakbakan sa pagitan ng Team HAQ ng Malaysia at RSG Philippines.

Nakatakdang ganapin ang kanilang bakabkan bukas, ika-anim ng Nobyembre. Maaaring subaybayan ang mga laban sa opisyal na FacebookTikTokTwitchTwitter, at YouTube ng ONE Esports.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Light bumida para ma-reverse sweep ng RSG PH ang Alter EGO sa MPLI 2022