‘Di maipagkakailang may mali na sa pinapatakbong stratehiya ng Alter Ego matapos nilang matalo kontra sa koponan ni Allen “Baloyskie” Baloy na Geek Slate noong noong ikatlong linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 11 (MPL ID Season 11).

Marami ang nagulat sa resultang ito dahil sila ay isa sa mga top teams ng MLBB Indonesia na may mga magagaling na manlalaro. Bukod dito, sa mga nakaraang seasons ng liga, madalas silang namamalagi sa may tuktok ng standings. 

Ito ang maipapayo ni Baloyskie sa bottom seed ng MPL ID na Alter Ego
Credit: ONE Esports

Sa pagkawala ni Julian “LeoMurphy” Murphy sa koponan ay iniakyat nila sina Rasya “Rasy” Wisita at Wahyu “Raizel” Saputra galing sa kanilang MLBB Development League Indonesia (MDL ID) team. Bukod sa mga ito, kinuha rin nila ang dating miyembro ng RRQ Hoshi na si Teguh “Pshychooo” Firdaus.

Kontra Geek Slate, sinubukan nilang ibalik sa gold lane si Syauki “Nino” Sumarno, pero hindi rin ito umubro dahil winalis lang sila ng koponan ni Baloyskie.

Humihina na nga ba ang Alter Ego o sadyang malaki lang ang naging improvement ng mga teams kumpara sa kanila? 



Kailangan daw ng Alter Ego na i-reset ang kanilang mindset, payo ni Baloyskie

Ito ang maipapayo ni Baloyskie sa bottom seed ng MPL ID na Alter Ego
Credit: ONE Esports

Hindi lang pala Alter Ego ang dumaranas ng ganitong sitwasyon kundi pati na rin ang Aura Fire pagkatapos nilang matalo palagi sa limang laba. 

Sa isang panayam ng ONE Esports kay Baloyskie, ang Filipino roamer ng Geek Slate, sinabi niya na kailangan lang nila Jehuda “High” Sumual, jungler ng Aura Fire at ng kaniyang koponan na maibalik ang momentum sa paglalaro. 

Sa kabilang banda, tinanong din si Baloyskie sa kaniyang opinyon patungkol sa Alter Ego. Itinala ng manlalaro galing Pilipinas ang kaniyang opinyon tungkol rito at nabanggit niya ang salitang “mindset”. 

“I don’t know. This is the first time Alter Ego started the season very badly because usually they start the season very well,” ani Baloyskie.

Ito ang maipapayo ni Baloyskie sa bottom seed ng MPL ID na Alter Ego
Credit: ONE Esports

“Maybe, they just need to reset their mind set to get their confidence back,” paliwanag niya.

Ang sinasabing mind set ni Baloyskie ay pwedeng tumutukoy sa mentality at point of view ng manlalaro ng Alter Ego na sila ay isa sa mga top teams sa liga at may abilidad na lumaban pa.

Kung magagawa nila ang ganitong “mindset” makakabalik na ulit sila sa kanilang old ways bilang isa sa pinakamalakas na koponan sa liga.  


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Nag-trial and error daw ang ONIC Esports kaya nakasilat ng 10-minute game ang Alter Ego