Hindi maikakaila na ang karera ng Blacklist International jungler na si Danerie “Wise” Del Rosario ang isa sa mga pinakamakulay sa mundo ng Mobile Legends. Katuwang ang bantog na roamer na si Jonmar “OhMyV33NUS” Villaluna, naabot ni Wise ang lebel ng tagumpay na mabibilang lamang sa daliri ang mga atletang makakaparis.

Ngunit kasabay ng patuloy pang pag-usbong ng kaniyang karera, ay ang pagdududa ng ilan sa kaniyang kakayahan kung wala ang henyo ng The Queen. Kaya naman si Allen “Baloyskie” Baloy, may buwelta para sa mga ito.


Baloyskie sa epekto ni Wise sa nalahukang Mobile Legends teams

Credit: MPL Philippines

Sa EMPETALK show na inilabas kamakailan, inilahad ni Baloyskie ang kaniyang sagot sa tanong ni Jonathan Liandi kung sino ang kaniyang top players sa jungler position. Ang Geek Fam ID star, hindi nag-alinlangang ibato ang mga pangalan ng kaniyang ex-teammates na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol at si Wise.

Parehong mataas ang tingin ng ex-ONIC PH captain sa dalawang core players ngunit may dagdag na pasaring ito sa mga nagdududa sa kalibre ng Blacklist superstar. Aniya, “I don’t understand why people don’t appreciate Wise ‘til now even though they become [sic] champions for so long.”

Credit: Jonathan Liandi/ EMPETALK

Dagdag ng First Team roamer ng MPL ID Season 10, nakita niya ng malapit kung ano ang kakayahan ng jungler bilang player dahil nakasama niya ito sa team. “I understand V33NUS get credit for his shotcall but they do not know that Wise can also shotcall,” paliwanag pa niya.

Credit: MPL Philippines

Mababalikan na nakilala si OhMyV33NUS sa kaniyang mala-alamat na shotcalling na makailang-ulit na sumagip sa kaniyang koponan mula sa dehado. Ngunit bukod sa The Queen, inamin ng mga miyembro ng Blacklist na kasinglakas ang tinig ng kanilang King of the Jungle sa shotcall.

Patotoo ang naganap sa pinakaimportanteng serye ng koponan sa MPL Philippines Season 10, kung saan personal na inilahad ng mga miyembro ng team na susi ang isang call ng kanilang jungler para baliktarin ang tadhana kontra ECHO sa Grand Finals.


Credit: MPL Philippines

Matagal ng batid ni Baloyskie ang kakayahang ito ni Wise. “Maybe its like 80% V33NUS, its 20% Wise. He still have part. V33NUS and Wise complement to [sic] each other. Like if you remove V33NUS, he can still be good.”

Ngunit ang tunay na lakas daw ng ex-Dream High teammates niya ay lumalabas kapag magkasama sa laro. “Their chemistry is so good because they are both smart because they can enable”

Para sa mga balita tungkol sa Mobile Legends, sundan lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Mirko hangang-hanga sa kung paano pamunuan ni Baloyskie ang Geek Fam ID