Naging sandalan na ng kanyang koponan si Allen “Baloyskie” Baloy simula noong ni-recruit siya ng Geek Slate.

Kaya para lalong magampanan ang kanyang tungkulin, ipinangko ni Baloyskie noong nakaraang season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID) na magpupursige siyang mag-aral ng Bahasa Indonesia.

Bilang isang import ng kanyang koponan, ‘di maipagkakaila na hadlang ang wika para mas madaling silang magkaintindihan ng kanyang mga kakampi. Sa kabila nito, bakas pa rin ang unti-unting paghusay ng dating Geek Fam ID lalo na noong nagtapos sila sa ikalawang puwesto sa ONE Esports MPL Invitational 2022.

'Di pa natutupad ni Baloyskie ang pangako niyang 'to para sa Geek Slate
Credit: ONE Esports

Pero matapos ang isang season, kinumusta ng ONE Esports Indonesia ang pag-aaral ni Baloyskie ng bagong lenggwahe. Bagamat patuloy pa rin ang kanyang pagkakatuto, inamin niyang hindi pa rin niya natutupad ang kanyang pangako.

“Right now my (Bahasa) has improved quite a bit, but we still use English for some reason that I don’t know either. Maybe it’s because we feel more comfortable using it at the moment, but we’ve started mixing it up,” paliwanag niya.

'Di pa natutupad ni Baloyskie ang pangako niyang 'to para sa Geek Slate
Credit: ONE Esports

Kung tatyantahin, 70% daw ng kanilang pakikipagkomunikasyon ay gamit ang English, habang Bahasa naman ang natitirang 30%.



Caderaa sa progreso ng pag-aaral ni Baloyskie ng Bahasa

'Di pa natutupad ni Baloyskie ang pangako niyang 'to para sa Geek Slate
Credit: ONE Esports

Sang-ayon naman ang gold laner ng Geek Slate na si Mohamman “Caderaa” Pambudi sa sinabi ni Baloyskie. Sa katunayan, nagbahagi rin siya ng kanyang palagay sa kakayanan ng Pinoy na magsalita gamit ang kanilang lenggwahe.

““Kalau dibandingkan dengan musim lalu, masih terbilang sama sih. Tapi sekarang sudah ada beberapa momen di in game, di mana dia mulai menggunakan bahasa Indonesia,” kwento niya sa ONE Esports.

(Kung ikukumpara last season, halos ganoon pa rin. Pero ngayon, may mga pagkakataon sa laro na gumagamit siya ng Indonesian.)

Matapos ang unang dalawang linggo ng MPL ID Season 11, naka-upo ngayon sa ika-anim na puwesto ng standings ang Geek Slate nang may isang panalo at tatlong talo.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Bakit nilabas ni Wise ang Alice jungle sa MPL PH S11 Week 2? Ito ang dahilan