Kahit pa tutok sa sarili niyang kampanya kasama ang Geek Fam ID sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10), patuloy pa rin ang pagsubaybay ni Allen “Baloyskie” Baloy sa mga nangyayari sa MPL Philippines Season 10.
Hindi kasing ganda ang katayuan ng bagong koponan ni Baloyskie ngayon. Nananatili sila sa ilalim ng standings matapos ang limang linggo ng regular season, sa kabila ng tagumpay na nakamit nila kontra Rebellion Zion at Alter Ego.
Naniniwala si Baloyskie na kaya makapasok sa M4 ng bagong ONIC PH
Matapos ang kanilang tagumpay kontra koponan nina Eldin “Celiboy” Putra, ibinahagi ni Baloyskie na tinututukan pa rin niya ang mga laban sa MPL PH, kung saan bumibida ang dati niyang koponan na ONIC Philippines.
Binubuo na ng mga dating amateur players mula sa Monster Anarchy ang koponan. Bagamat ito ang unang beses na sumabak sila sa liga, madali nilang napatunayan na kaya nilang makipagsabayan sa mga nauna.
Dahil dito, umani ng papuri ang koponan mula sa dati nilang roamer:
“They’re very strong. I was really amazed by the gameplay of their mid duo, Rapidoot and SUPER FRINCE. Their chemistry and skill synchronization are very, very good.”
(Sobrang lakas nila. Hanga ako sa gameplay ng support duo nila, sina Rapidoot at SUPER FRINCE. ‘Yung chemistry at skill synchronization nila ay sobrang ganda.)
“They’ve got good coaches as well. Ryota is also thriving in the new team, much more step up than before. I think they are now really qualified with their tight pressing gameplay,” dagdag ni Baloyskie.
(Magaling din ang mga coach nila. Lumakas na rin si Ryota kasama ang mga bago niyang kakampi, malaking improvement kumpara dati. Sa tingin ko mas qualified na sila ngayon dahil sa kanilang gameplay.)
Tinapos ng ONIC PH ang ikatlong linggo ng MPL PH Season 10 na nasa tugatog ng standings. Ito ay matapos nilang magkasunod na talunin ang M3 World Champions na Blacklist International at MLBB Southeast Asia Cup 2021 champion na Smart Omega.
“I see ONIC PH potentially qualifying for the M4 if they can maintain their consistency,” giit ni Baloyskie.
Samantala, susubukan namang bumawi nina Ralph “Rapidoot” Adrales pagpasok ng ika-anim na linggo ng regular season. Kasalukuyan kasing nasa three-match losing streak ang koponan na nagsimula noong Week 4 kontra TNC Pro Team.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: FACT: Si Kairi ang best Jungler sa unang bahagi ng MPL ID S10