Tagumpay ang Geek Fam ID sa unang laban nila sa ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022).

Pinangunahan ng mga Filipino imports na sina Allen “Baloyskie” Baloy at Jaymark “Janaaqt” Lazaro ang tagumpay ng kanilang koponan laban sa RRQ Sena, ang koponang humalili sa MPL Indonesia Season 10 runner-up na RRQ Hoshi.

Baloyskie at Janaaqt bumida sa panalo ng Geek Fam ID kontra RRQ Sena sa MPLI 2022

Credit: ONE Esports

Agresibong binuksan ng Geek Fam ID ang unang mapa ng serye kontra MLBB Development League team ng RRQ organization. Magkatuwang ang midlane duo nina Baloy at Aboy sa pag-invade ng jungle ng kanilang kalaban, dahilan para makagtala sila ng maagang kalamangan.

Maagang nakapasok sa base ng RRQ Sena ang tropa nina Baloyskie matapos nilang maselyo ang lahat ng neutral objectives, pero mangilang beses silang nataboy ng makating Irithel ni Kristian “PRANATA” Pranata.

Nagawang tapusin ng Geek Fam ID ang laban bandang 18 minuto ng bakbakan sa tulong ng Lord na na-Retri ni Janaaqt. Napatumba rin ang makunat na Fredrinn ni Justinnn sa labang ‘yon, dahilan para tuluyang mapunta ang unang puntos sa magkakapamilya.

Bahagya namang naagaw ng Lancelot ni Janaaqt ang spotlight mula sa RRQ Sena pagpasok sa ikalawang mapa ng best-of-three, pero mariing pinatunayan ni Jason “Aether” Zefanya kung bakit bina-ban ang kanyang Hayabusa. 

Sa 18 kills kasi na naitala ng kanyang koponan, siyam ay nanggaling mula sa kanya. Nag-ambag din ng limang kills at 10 assists ang Yve ni Rizky “WARLORD” Agustian, ang MVP ng naturang mapa, para mapwersa ang do-or-die game.

Bagamat napasakamay muli ni Aether ang kanyang Hayabusa, tiniyak ng Geek Fam ID na mag-iiba na ang resulta. Naglabas ng jungle Gusion para kay Janaaqt ang koponan, na sinamahan ng signature Franco ng Pinoy roamer.

Isang team fight sa may Lord pit bandang 13 minuto ng bakbakan ang sumelyo sa serye. Bigo ang Chou ni Riko “Violenceee” na mapitas ang Wanwan ni Mohammad “Caderaa” Pambudi dahilan para makalipad ito. Tatlong hero ang napitas ng naturang gold laner, habang sinelyo naman ni Janaaqt ang Lord.

Geek Fam ID ni Baloyskie nilaglag ang RRQ Sena sa MPLI 2022
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Aabante sa grupong ginawa ng coach ng Blacklist International na si Kristoffer Ed “BON CHAN” Ricaplaza ang Geek Fam ID. Susunod nilang haharapin ang pambato ng Malaysia na Orange Esports, ang koponang lumaglag sa kampeon ng MPL KH na BURN x FLASH.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Dahilan kung bakit wala ang RRQ Hoshi sa MPLI 2022, ibinunyag ng CEO